AVERY Pakiramdam ko ay parang kay tagal lumipas ng oras. Ilang ulit na akong tumingin sa orasan at bored na rin ako sa pinapanood kong palabas. Nagsasawa na rin akong tumingin sa labas at manood ng snow, kaya minabuti kong lumabas ng silid namin ni Xander at bumaba para tingnan kung ano na ang nangyayari sa paligid ko. Naabutan kong abala ang lahat. Malinis at maayos na rin dito sa sala. Wala ng bakas ng kahit isang patak ng dugo sa makintab na sahig, hindi gaya kanina sa napanood ko sa CCTV na nagkalat ang mga kagamitan, at bumagsak ang ilang gamit dahil na rin sa nagkaroon ng kaguluhan. Tahimik na rin ang buong kabahayan, pero may nakikita pa rin akong mga armadong tauhan ni Xander ang nagkalat sa labas ng bahay kahit malamig ang paligid. Walang gaanong pinsala dito sa loob, hindi

