AVERY Mabilis na lumipas ang araw. Isang linggo na rin ang lumipas simula ng isilang ko ang kambal. Kahit paano ay nakabawi na ako ng lakas at nakakalabas na rin ako sa silid namin, para magpa-araw kami ng mga anak ko tuwing umaga. Working at home pa rin si Xander at kahit sinasabi ko sa kanya na ayos lang kami ng mga bata at narito naman si Miss Sylvia ay mas gusto ng asawa ko na dito na lang muna sa bahay gawin ang trabaho. Umaalis lang si Xander kapag may urgent meeting o kaya naman ay may mahalaga siyang gagawin sa opisina sa Global City. Naroon kasi ang main office niya, kung saan ay pag-aari pala ng asawa ko ang buong building at nandoon lahat ang mga negosyong hawak niya at under sa malaking corporation na pinapatakbo niya. Nakauwi na rin dito sa bahay sina Harlen at Carla. Ka

