AVERY “Aila, alam mo ba kung saan galing ang alak na dinala ni Arnel at binigay sa inyo sa pool?” malakas ang kabog ng dibdib na tanong ko sa kapatid ko. “Bigay daw po ni Miss Sylvia, ate,” agad na sagot ni Aila. “May problema po ba sa inumin, Ate Aves?” Tipid na ngumiti ako sabay iling. Inilihim ko sa mga kapatid ko ang hinala ko, dahil ayaw ko silang mag-isip ng kung anu-ano, lalo na at hindi pa naman ako sigurado Mas lalo lamang lumakas ang kabog sa dibdib ko. Hindi maganda ang pakiramdam at hinala ko sa nangyari. Kung susundin ko kasi ang instinct ko, iisa ang tumatakbo sa isipan ko, at iyon ay may naglagay ng kung ano sa inumin ni George at Carla, kaya nakalimutan nila ang tama at nakagawa ng isang malaking pagkakamali. “Sige, lalabas na ako. Kinamusta ko lang kayong dalawa,” na

