AVERY Maaga pa lang ay sabay na bumangon na kami ni Xander. May trabaho pa kasi siyang kailangang harapin ngayong araw, habang ako naman ay ihahanda ko ang mga gamit na dadalhin namin mamaya. Magulo at nasa lapag lang kasi ang mga pinamili ko kahapon. Gusto kong pagsama-samahin ang lahat, para hindi makalat at masyadong marami ang dadalhin namin pabalik sa bahay, dahil after ng meeting ng asawa ko ay aalis na raw kami. Nakaupo ako dito sa sahig at nagliligpit ng mga paper bags na nagkalat sa harap ko nang lumapit sa akin ang asawa ko at yumuko para halikan ako sa labi. "I'm leaving now, baby. Take care, okay?" malambing na bulong sa akin ng asawa ko. "Opo, ikaw rin," malumanay ang tinig at nakangiting sagot ko. "Ayaw mo bang kumain muna?" tanong sa akin ni Xander. "Mamaya na lang, m

