Chapter 124

1812 Words

AVERY Apat na araw na kaming namamalagi dito sa resort ni Xander. Mas malamig ngayon ang panahon, kumpara kahapon at kahit gusto kong lumabas ay hindi pumayag ang asawa ko at sinabing mas mabuti raw na sa mall o kaya naman ay sa restaurant kami mag-ikot-ikot. Umuulan raw kasi ng snow sa labas. Ngayon lang ako nakakita na pwede palang makabasag ng salamin o makasakit sa tao at hayop ang bawat bagsak ng yelo sa lupa, kapag gaya ngayon na masama ang panahon. "Baby, may gusto ka bang bilhin?" tanong ng asawa ko sa akin. "Wala," maikling sagot ko, kasabay ng bahagyang pag-iling ng ulo. Bumaba ang mga mata ko sa magkasalikop na mga kamay namin ni Xander habang naglalakad kasama niya. Pinisil ng asawa ko ang hawak na palad ko, kaya napatingin ako sa kanya. Nagtama ang mga mata naming da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD