JAMILLA Tahimik akong kumakain katabi si Drake. Attentive naman siya sa akin. Siya ang naglagay ng ulam sa aking pinggan at nagsalin ng juice sa aking baso, pero hindi ko siya kinakausap simula nang bumaba ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Nahihiya ako sa kinakapatid ko, kaya hindi ko siya kayang harapin ngayon, pero hindi ko naman siya kayang pagtaguan dahil magkasama kaming dalawa dito sa beach house. “Jam, are you okay?” narinig kong tanong ni Drake sa akin. Matamlay akong kumakain at halos hindi ko magalaw ang pagkain sa harap ko dahil magulo ang aking isipan. Masakit rin ang aking katawan, lalo na ang pagitan ng mga hita ko, kaya nahihirapan akong gumalaw. Hinatak ko ang aking braso palayo dahil hinawakan niya ang aking kamay. Hanggang ngayon, nag-iisi

