JAMILLA Nakatulog ako kagabi sa tabi ni Drake habang yakap niya, at nakulong ang aking katawan sa kaniyang mga braso. Mahimbing ang naging tulog ko, at umaga na nang magising. Gaya kahapon, wala na sa aking tabi ang kinakapatid ko nang magmulat ako ng aking mga mata. Nasanay na ako na maaga siyang nagigising para maghanda ng almusal namin. Maganda na ang pakiramdam ko at hindi na masakit ang aking katawan, pero hindi muna ako bumangon at nanatiling nakahiga sa kama at balot ng kumot. Bumukas naman ang pintuan at pumasok si Drake. May dala siyang bulaklak at nakangiting lumapit sa akin. “Good morning,” masaya niyang bati sa akin. “Good morning,” mahina kong sagot dahil mahapdi ang aking lalamunan. Lumapit sa akin si Drake at umupo sa gilid ng kama. Inabot niya sa akin ang dala niy

