JAMILLA Ang sabi ni Drake ay may pupunta raw ditong judge para ikasal kami. Siguradong tinawagan niya ito para pumunta dito, kaya tinanong ko siya kung paano niya ito nakausap, pero ngumiti lang siya at sinabing may paraan daw siya para makausap ang taong gusto niyang kausapin kahit narito kami sa isla. Sa tingin ko, ayaw pa niyang sabihin sa akin ang tungkol dito dahil nagdududa siya na tatakas ako kapag nakakita ako ng pagkakataon. Gustong makasiguro si Drake na hindi ko siya matatakasan bago ang aming kasal, kaya nag-iingat siya na malaman ko ang iba pang impormasyon na maaari kong gamitin para makaalis ako dito sa isla. Batay sa sinabi ng kinakapatid ko, may iba pa kaming kasama dito sa isla dahil may farm siya dito. Ang sabi niya, isasama niya ako doon, pero dahil naligo kami sa d

