Chapter 3

1465 Words
JAMILLA “Ma'am, may bisita po kayo sa labas,” narinig kong sabi ng kasambahay ko. “Who?” nagtatakang tanong ko dahil wala naman akong inaasahan na darating na bisita dito sa penthouse ko. Hindi rin tumawag ang kahit isa sa mga guwardiya sa ground floor para sabihin na may naghahanap sa akin, kaya nagtataka ako kung sino ang naghahanap sa akin. “Ma'am, nasa sala po si Sir,” sagot ng kasambahay ko. Nangunot ang noo ko at napatingin sa kaniya. “Sir?” “Opo, Ma'am,” mabilis na sagot ni Brena. “Gusto ka raw po niyang i-surprise.” Inabot ko ang roba at binalot ko ang aking katawan. May hinala na ako kung sino na naman ang makulit na pumunta dito sa penthouse ko, kaya matapos ibuhol ang tali sa aking bewang, ay lumabas na ako ng silid ko. As expected, nadatnan kong nakaupo sa sofa si Drake. May nakita rin akong nakalapag na isang punpon ng paborito kong bulaklak sa ibabaw ng center table. Siguradong dala niya ito dahil siya lang naman ang laging nagbibigay sa akin ng ganitong bulaklak kahit paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya na ayaw kong pumupunta siya dito sa penthouse ko at nagdadala ng kung ano-ano. “Hi, Jam!” masayang bati ni Drake nang lumapit ako sa kaniya. “Why are you here?” walang ganang tanong ko sa kaniya. “I want to see you,” mabilis na sagot ni Drake. Kinuha niya ang dalang bulaklak at inabot sa akin. “For you.” “Hindi ka na sana nag-abala pa,” sabi ko sa kaniya. Kaswal ang pakikitungo ko kay Drake kapag magkasama kami dahil ayaw ko siyang umasa sa akin. Hindi pa ako handang magpakasal at wala rin sa isip ko ang pumasok sa kahit anong relasyon dahil abala ako sa trabaho. Grabe ang pressure bilang isang mafia boss. Sa akin pinamana ni Daddy ang posisyon dahil ayaw ni JC. Bata pa lang kami ay hikain na ang kapatid ko. Mahina ang kaniyang katawan, kaya maaga akong na-trained na maging susunod na tagapagmana ng organisasyon ng aking pamilya. Mabuti na lang at hindi pinahawakan ni Mommy sa akin ang minana niyang mafia organization sa Bicol. Wala akong ideya kung sino ang may hawak ng organisasyon na iyon dahil ang Laxamana mafia clan sa Australia ang hawak ko ngayon. Hindi madali ang ganitong trabaho dahil babae ako at bata pa, pero maaga kaming sinanay ni Lolo Sabby para ihanda sa posisyon na hawak ko. Hindi lang iyon ang hawak ko dahil kasama rin ako sa apat na Ace's ng Mangna El Caljon. Isa ako sa apat na key members ng worldwide organization na pinamumunuan ni Draven ngayon kung saan kami ang may key control at direct access sa ekonomiya, pulitika, GDP, at maging ang national at international security system ng isang bansa. Minana namin ang mga posisyon na ito sa aming mga magulang, kaya bata pa lang kami ay nawalay na kami sa aming pamilya para mag-aral sa isang eksklusibo at elite na mafia school sa London. Doon, hindi lang namin pinag-aralan ang iba't ibang uri ng baril. Sa edad na dose, pinadala kami ni Lolo Sabby sa kalye ng Bangladesh at India para mamulat kami sa tunay na buhay sa isang sindikato. Naranasan naming matulog sa kalsada at sumabak sa totoong gera para masubukan ang aking fighting at survival skills. Kasama ko doon sina Draven, Sabrina, Aryan, at Sofia. Supposedly, kasama sana namin doon si Aidan dahil panganay siyang anak ni Ninong Alex, pero dahil ayaw ng kaniyang Lolo na si General Matias, na pasukin at manahin niya ang pamumuno sa mafia organization nila sa Russia, kaya ipinasok niya sa AFP ang lalaking iyon. Pero may ibang plano pala si Lolo Sabby dahil palihim niyang na-train si Adi ng walang nakakaalam. “Are you busy today, Jam?” tanong ni Drake sa akin nang umupo ako sa sofa na kaharap niya. “You know how busy I am, Drake,” mabilis kong sagot. Inilapag ko sa mesa ang hawak kong bulaklak. Kahit naman harapan ang pag-ayaw ko sa panliligaw ni Drake, tinanggap ko pa rin ang dala niyang bulaklak dahil paborito ko ito. Isa pa, sayang din naman kasi kung itatapon lang niya. Alam kong mahal ito, at kahit naman ayaw ko sa kaniya, hindi ko rin naman magawang maging bastos sa kaniya dahil may pinagsamahan naman kaming dalawa. Narinig kong nagpakawala ng magkasunod na buntonghininga si Drake. I know he's trying to form a conversation with me, pero malamig ang naging pakikitungo ko sa kaniya. “Mom invited you for lunch today,” sabi ni Drake sa akin. “She asked me to pick you up kasi hindi mo raw sinasagot ang tawag niya, kaya ang akala niya ay nagtatampo ka sa kaniya, kaya iniiwasan mo siya.” Napangiwi ako at napapikit. Ilang araw ko nang iniiwasang sagutin ang tawag at text message ni Ninang Leigh dahil alam kong yayayain niya akong mag-shopping, o kaya naman ay pumunta sa bahay nila. Palagi itong ginagawa ni Ninang Leigh kapag alam niyang narito ako sa Pilipinas. Ilang linggo akong nagtago sa bahay ni Aryan, pero walang silbi na naroon ako dahil nalaman rin naman nina Daddy kung nasaan ako. “Masama kasi ang pakiramdam ko lately, kaya hindi muna ako lumabas ng bahay,” pagdadahilan ko. “What happened? Are you okay now?” magkasunod na tanong ni Drake sa akin. “Oo,” maikli kong sagot. “Gusto mo bang samahan kita sa ospital para makapagpatingin ka sa doktor?” Agad akong umiling bilang sagot. “Huwag na, nahihilo lang naman ako at nagsusuka tuwing umaga.” “What?” Nangunot ang noo ni Drake. Nag-isang linya ang kaniyang mga kilay at tiningnan ako ng makahulugan. Nakikita ko ang pagtatanong sa kaniyang mga mata, kaya nakaisip ako ng kalokohan dahil sa tingin ko, isa ito sa magandang pagkakataon para tigilan na niya ang panliligaw sa akin. “May gusto ka bang sabihin sa akin, Jam?” mahinahon na tanong ni Drake sa akin. “Oo,” mabilis kong sagot. Umayos ako ng upo at nagtaas ng noo. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang hawakan ko ang aking tiyan at nakita kong sinundan ito ng mga mata ni Drake. “I'm pregnant.” Ngumiti ako para ipakita sa kaniya na masaya ako sa sinabi ko, pero gumalaw lang ang kilay ni Drake, kaya hindi ko mabasa kung anong laman ng isipan niya. “Really, how?” “Anong how?” tanong ko rin sa kaniya. “Paano ka nabuntis kung wala pa namang nangyayari sa atin, Jam?” tanong ni Drake sa akin. Inirapan ko siya. “Bakit, sinabi ko bang ikaw ang ama ng batang pinagbubuntis ko?” Nagkibit-balikat si Drake at sumandal ang likod at ulo sa sofa. “Try harder para maniwala ako sa iyo.” Nakaramdam ako ng inis, pero hindi ko ipinakita sa kaniya. Muli akong nagtaas ng noo at tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata para ipakita kay Drake na seryoso ako at nagsasabi ako ng totoo. “Hindi ko kailangan magpaliwanag sa iyo, Drake. It's up to you kung maniniwala kang buntis ako o hindi,” mataray at taas-noo kong sagot. “Alright, as you said so,” kibit-balikat niyang sagot. Mukhang kahit anong sabihin ko ay hindi maniniwala si Drake, kaya sinimangutan ko siya. Ngumisi naman siya sa akin at dinukot ang kaniyang cellphone. Hindi nagtagal, nakita kong idinikit niya ito sa kaniyang tenga at narinig kong nagsalita si Drake, dahilan para manlaki ang aking mga mata. “Ninong, buntis po ngayon si Jam,” narinig kong sabi ni Drake sa kausap. “I know, I'm willing to marry her as soon as possible po.” “Huy!” Binato ko siya ng unan sa ulo, pero nasalo ito ng isang kamay ni Drake. “Sure, Ninong,” sabi ni Drake. “I'll wait for you and Daddy here—” Tumayo ako at inagaw ko sa kamay ni Drake ang kaniyang cellphone. “Hello?” hinihingal na sabi ko. “Congratulations, Jamilla,” masayang sabi ni Daddy mula sa kabilang linya. “You truly surprised us today—” “Dad, huwag kayong maniwala dito kay Drake!” inis na sabi ko. “Why? Hindi ka pa ba buntis?” magkasunod na tanong ni Daddy, kaya napapikit ako sa inis. “Hindi po ako buntis,” nakasimangot kong sagot. “Dammit, sayang naman,” narinig kong sagot ng aking ama. “Kailan ba ninyo kami bibigyan ni Declan ng apo?” Inis na sinipa ko sa binti si Drake nang makita ko siyang nakangiti. Ito ang gustong mangyari ng aking ama, kaya kapag ipinagpatuloy ko ang pagsisinungaling ko, ay baka pilitin niya akong ipakasal sa kaniya, ang walang-hiyang lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD