Chapter 2

1351 Words
JAMILLA Hindi ko inaasahan ang biglang paghalik sa akin ni Drake. Nanlaki ang aking mga mata at naitulak ko siya sa balikat, pero mas malakas siya sa akin. Naipit sa pagitan namin ang kanang braso ko nang yakapin niya ako at mabilis na sinapo ng kaniyang kamay ang aking batok, kaya hindi ako makagalaw. Hindi nakatulong sa kalagayan ko ang mabilis na pintig ng aking puso. Pakiramdam ko'y unti-unting nauubos ang aking lakas, ganoon din ang hangin sa aking baga habang paulit-ulit na sinipsip ni Drake ang aking mga labi. Isang impit na ungol ang nakulong sa aking lalamunan nang ibuka niya ang aking bibig at hinuli niya ang aking dila at ito naman ang pinanggigilan ni Drake nang palalimin niya ang panghahalik sa akin. Hindi ko namalayan kung gaano katagal na pinanggigilan ni Drake ang aking mga labi bago niya ito pakawalan. Hingal na hingal ako nang bahagyang maghiwalay ang aming mga labi, pero napapikit ako nang hawakan niya ang aking pisngi at pinagdikit niya ang aming noo. “I miss you, Jam,” narinig kong bulong ni Drake sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil hindi ako makasagot. Hinihingal pa rin ako at napakabilis ng pintig ng aking puso habang mabilis na nagtataas-baba ang aking dibdib. “It's late,” hinihingal kong sagot. “I have to go.” Akmang tatayo sana ako nang sumiksik sa leeg ko ang mukha ni Drake. Napasinghap ako nang pumulupot sa katawan ko ang kaniyang braso at niyakap niya ako ng mahigpit. “Drake, let me go,” napalunok na utos ko sa kaniya. “Can you please stay a little longer, Jam?” pabulong na tanong niya sa akin. “No!” matigas kong sagot. Kapag pinagbigyan ko siya, siguradong mangungulit na naman si Drake sa akin. “Please, kahit ngayon lang,” pakiusap niya sa akin. Nagtaas ako ng mukha at pinatigas ko ang aking ekspresyon. “Lasing ka, Drake.” “No, just a few shots,” bulong niya sa akin. “Alam ko kasi na ayaw mong umiinom ako. Hindi ko lang matanggihan kanina si Ninong Jared, tapos binigyan rin ako ng whiskey ni Ninong Alex.” Napapikit ako nang dumampi sa balat ko ang mainit na labi ni Drake. Bahagya ko siyang itinulak, pero mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ganito siya kapag alam niyang ipinagtutulakan ko siya at pinagtatabuyan ko para makalayo ako sa kaniya. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago tinapik sa balikat si Drake. Alam ko ang ugali ng kinakapatid ko at kung paano siya mapasunod sa gusto ko, but it cost a lot kapag naging mahina ako sa paningin niya, he will surely pursue me at kukulitin niya ako. “Naiihi na ako, Drake,” pagdadahilan ko para lubayan niya ako. “Alright, let me help you–” “Huwag na, kaya ko na,” mabilis kong sagot dahil alam kong susundan niya ako. Nangunot ang noo ni Drake. Kitang-kita ko ang pagdududa sa kaniyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. “Are you trying to avoid me again, Jam?” Nalukot rin ang mukha ko. Maikli lang ang pasensya ko, kaya ayaw ko sanang magalit at maiinis para hindi masira ang gabi ko, pero mukhang iinisin na naman ako ni Drake ngayon. “Look, kung may problema ka na gagamit ako ng banyo, ay wala na akong pakialam, not unless gusto mong umihi ako dito sa harap mo,” inis na sabi ko kay Drake. “I don't mind seeing you doing that in front of me,” nakangiting sagot ni Drake. Sinimangutan ko siya at pinaningkitan ko ng aking mga mata si Drake. “Manyakis ka kasi, kaya gusto mo akong silipan!” “Seriously, Jam, ikakasal din naman tayo one of these days, kaya I don't mind seeing you naked in front of me,” aroganteng sagot ni Drake, kaya lalo lamang akong nakaramdam ng inis sa kaniya. Heto na naman ang usapang kasal. Nakatatak na sa isipan niya na magpapakasal kami balang araw at sobrang persistent ni Drake. Ang hirap niyang takasan dahil lagi siyang nakasunod sa bawat kilos ko. Ang nakakainis pa, maging sina Daddy ay ayos lang sa kanila kahit sinabi kong ayaw ko sa kasunduan nila ni Ninong Declan. Welcome sa bahay namin si Drake at para siyang ginto kung ituring ni Daddy kapag pumupunta siya doon araw-araw. Nagsasawa na ako sa mukha ni Drake araw-araw. Kung hindi lang ako pinatawag ni Aryan ay hindi ako babalik dito sa Maynila para makalayo muna ako sa kanilang lahat. Wala naman akong lalaking nagugustuhan dahil abala ako sa negosyo at sa trabaho ko bilang mafia heiress. Ayaw ko lang magpakasal sa kaniya dahil alam kong iyon ang gusto nilang lahat, habang ako naman ay nasasakal sa kasunduan ng mga pamilya namin. “Come, samahan kita sa loob,” narinig kong sabi ni Drake, kaya naputol ang mahabang pag-iisip ko. Lumuwag ang pagkakayakap ni Drake sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at iginiya patayo. Tiningnan ko lang siya at tinabig ko ang braso ni Drake, pero dahil makulit siya, hindi ko napigilan ang biglang pag-ikot nito sa bewang ko at kinabig niya ako palapit sa kaniya. “Leave me alone, Drake,” naiinis na utos ko sa kaniya, pero mas lalo pang humigpit ang braso niya sa aking bewang. “Jam, no matter how hard you try to push me, we are forever entangled with one another. You can't avoid me for the rest of your life,” mahinang bulong ni Drake habang naglalakad kami pabalik sa loob ng mansion ng mga Madrigal. “Kailan mo ba ako titigilan, Drake?” inis na tanong ko sa kaniya. “You already know the answer to your question, Jam,” mabilis niyang sagot. “Marry me—” “No!” mabilis at malakas kong sagot. Pumiksi ako para makalayo sa kaniya, pero umiling si Drake. Gusto ko na siyang sakalin, pero dahil maraming bisita at narito ang aming mga pamilya, nagpipigil ako. “Hey lovers, kailan ang kasal ninyong dalawa?” nakangiting tanong sa amin ni Ninong Alex. Sa dami ng bisita dito sa mansyon, siya pa ang nakasalubong namin ngayon. E, sulsol ang isang ito. “Soon, Ninong,” mabilis na sagot ni Drake, pero nginisihan siya ni Ninong Alex. “Really, napilit mo na ba si Jamilla?” Nakangiting bumaling sa akin si Drake. Bahagyang lumapit ang mukha niya sa tenga ko at marahang bumulong. “Baby, so you think kidnapping you is a good idea—” “Try it, or you'll regret that for the rest of your life,” inis na banta ko kay Drake. Baliw ang isang ito, at kapag ganitong may naiisip siyang plano, baka bigla niyang ituloy, kaya nagsalita agad ako. “Well, sa tingin ko, kailangan mo pang galingan, Drake, para pumayag nang magpakasal sa iyo si Jamilla,” narinig naming sabi ni Ninong Alex. “Any advice, Ninong?” tanong rin ng pasaway na katabi ko. “Of course, I have a lot of ideas, only if you listen to me.” Pinutol ni Ninong Alex ang kaniyang sinasabi at makahulugan na ngumiti sa amin ni Drake. Hindi ko gusto ang nakikita kong ngisi sa kaniyang mga labi dahil kilala ko si Ninong Alex. “Care to share, Ninong,” natutuwang sabi ni Drake. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Ninong Alex. “Come, marami tayong pag-uusapan para matapos na ang problema mo, Drake.” “No, aren't you coming with me?” nakasimangot na tanong ko kay Drake. Sa lahat ng ninong ko, si Ninong Alex ang pinakabaliw, kaya pinigilan kong sumama sa kaniya si Drake dahil siguradong makikinig sa kaniya ang kinakapatid ko. “Next time na lang, Ninong, sasamahan ko muna ang future wife ko,” nakangiting sagot ni Drake. Abot-tenga ang ngiti sa labi niya, kaya palihim ko siyang inikutan ng mga mata, pero alam kong hindi ito nakaligtas sa matalas na paningin ng ninong namin, kaya nakita ko ang makahulugang ngiti sa kaniyang mga labi nang hatakin ko palayo sa harap niya si Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD