JAMILLA Parang mabait at supportive na asawa si Drake habang kasama ko siya dito sa bahay. Abala ako at pokus sa aking trabaho, habang siya naman ay nagluto ng tanghalian namin. Hindi siya nangulit sa akin dahil alam niya na ayaw ko ng makulit sa oras ng trabaho. Dinalhan rin niya ako ng juice at merienda para makapag-break daw ako kahit kalahating oras lang dahil kanina pa ako abala sa trabaho ko. Tahimik lang si Drake, at ako naman ay naubos ang oras ko kaharap ang aking laptop. Masakit tuloy ang aking balikat, pati na rin ang likod ko dahil matagal akong nakaupo at nakayuko. Sandali akong nag-unat. Tumayo muna ako para makapagpahinga kahit sampung minuto lang dahil kanina pa ako nakaupo at nakatutok ang aking mga mata sa laptop. Lumabas ako sa veranda para sandaling sumagap ng han

