JAMILLA Sinulit namin ni Drake ang honeymoon namin dito sa Australia. Hindi na muna kami bumalik sa Pilipinas dahil binigyan kami ng isang buwan na bakasyon ng aming mga magulang. Ipinakilala ni Daddy si Drake bilang bagong miyembro ng mafia clan na aking pinamumunuan. Asawa ko siya, kaya kahit isa siya sa mga tagapagmana sa Madrigal organization at empire, agad siyang nagkaroon ng access sa aming family assets, at kasama doon ang posisyon na ibinigay sa akin ng aking mga magulang. Dito kami nanatili sa mansyon na pinamana sa akin ng aking pamilya. Bilang lider ng mafia organization na pinamumunuan ko, sa akin napunta ang ancestral home ng Laxamana clan dito sa Australia. Wala naman akong naging problema kay Drake dahil katulad ko, galing rin siya sa malaking pamilya na namumuno ng ma

