JAMILLA “I love you,” narinig kong malambing na bulong sa akin ni Drake habang nakaupo kami sa aming upuan sa harap ng aming mga bisita. Napangiti ako at nakangiting bumiling sa kaniya. Inabot ko ang kaniyang batok at magaan na hinalikan ko siya sa labi. “I love you too, Mr. Madrigal,” nakangiting bulong ko kay Drake. Sumilay ang masayang ngiti sa kaniyang mga labi. Alam kong masaya ngayon ang asawa ko dahil natuloy na rin ang kasal namin at pumayag na akong ipaalam sa lahat na mag-asawa na kami, kaya malaya na niyang masasabi sa aming mga pamilya at kaibigan na asawa niya ako. Masaya ang reception ng aming kasal kahit kaunti lang ang bisita dahil tanging pamilya at malapit na mga kaibigan lamang namin ang dumalo sa kasal namin ni Drake, pero solemn ang naging seremonya. Minabuti ni

