JAMILLA Niyakap ako ng mahigpit ng aking ama bago nahawi ang puting tela na nakabalot sa ginawang pintuan na dadaanan namin. Garden wedding ang tema ng kasal namin ni Drake dahil alam ng asawa ko na gusto ko ng ganitong tanawin. Agad kong nakita si Drake na nakatayo sa gitna, malapit sa ginawang altar, katabi ang kaniyang mga magulang nang tuluyang nahawi ang puting tela. Kahit may kalayuan kami sa isa't isa, nagtama ang aming mga mata nang humakbang ako sa pulang carpet kasama ang aking magulang. Habang palapit ako sa kaniya, nakita kong tila nakahinga ng maluwag si Drake habang nakatingin siya sa akin dahil alam niya na hindi ko siya iniwan at itinuloy ang ipinangako ko sa kaniya. Naririnig kong may sinasabi si Daddy habang papalapit kami sa harap ng altar kung saan naghihintay sa

