JAMILLA Araw ngayon ng kasal namin ni Drake. Maaga pa lang ay ginising na niya ako para maghanda kami sa nalalapit naming kasal. Bababa na sana ako sa kama, pero nakaramdam ako ng labis na pagkahilo. Umikot ang aking paningin, kaya napahawak ako sa aking noo at dahan-dahan kong hinilot ang aking sentido. “Baby, nahihilo ka na naman ba?” nag-aalala na tanong ni Drake sa akin. Inabutan niya akong nakaupo sa gilid ng kama at sapo ang aking ulo, kaya agad lumapit sa akin si Drake at niyakap niya ako. Bumaon sa balikat niya ang mukha ko at umikot ang mga braso ko sa katawan ng asawa ko. Unti-unti ay nabawasan ang pananakit ng aking ulo at pagkahilo nang manuot sa ilong ko ang natural na amoy ng kaniyang katawan. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakayakap kay Drake kasabay ng marahan

