JAMILLA Dahil napagkasunduan ng mga magulang ko na dito sa Australia gaganapin ang kasal namin ni Drake, kaya dito muna kami pansamantalang tumira habang inayos namin ang proseso ng aming nalalapit na kasal. Nag-leave muna sa trabaho ang asawa ko, at pumayag naman si Ninong Declan na huwag munang pumasok sa opisina niya si Drake dahil kailangan niya akong samahan. May kinuha kaming wedding coordinator at wedding planner, kaya hindi kami nahirapan. Sila na ang bahala sa lahat, pero involved pa rin kami sa pagpapasya kapag kailangan na naming i-finalize ang bawat bagay na may kinalaman sa kasal namin ni Drake. Dahil may bahay at farm naman dito sa Australia ang mga magulang ko, kaya dito na rin kami tumira. May pag-aari rin kaming five-star hotel, condominium, at branch ng shopping mall

