JAMILLA “Baby, aalis muna ako,” paalam ni Drake matapos makausap si Draven. “After you take a bath, magpahinga ka na, okay?” “Pupunta ka sa base?” tanong ko sa kaniya dahil may hinala ako na pupuntahan niya ang tauhan ni Congressman Martin. “Yes,” tipid na sagot ni Drake. “Sasama ako,” sabi ko sa kaniya, pero umiling siya. “You better stay here para makapagpahinga ka,” sagot agad niya. “Gusto ko lang namang sumama, e.” Hinawakan ako sa balikat ni Drake. “Please listen to me, baby ko. You were stressed earlier. Nakita mo naman kung anong nangyari sa atin. It's not safe kung lalabas ka ngayon at sasama sa akin. Mas mabuti kung dito ka muna sa bahay. Hindi ako mag-aalala kapag aalis ako kasi alam kong ligtas ka dito habang wala ako.” Mukhang hindi talaga papayag ang asawa ko, kaya hi

