JAMILLA Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Mommy nang makitang dumating kami ni Drake. Agad siyang tumayo at sinalubong kami nang pumasok kami dito sa bahay at agad akong niyakap. “I'm glad you're both home now.” Ramdam ko ang pag-aalala sa tinig ni Mommy habang yakap ako ng mahigpit. Nanginig pa ang kaniyang katawan dahil na-stress siya sa nangyari sa amin ni Drake, bagay na iniiwasan kong mangyari dahil alam ko ang kondisyon ng aking ina. “We're safe, Mom,” mahina kong bulong kay Mommy. “Hindi po kami nasaktan ni Drake.” Niyakap ko rin ang aking ina, kaya binitiwan ni Drake ang aking kamay. “Kanina pa ako nag-aalala dito sa bahay simula nang nalaman ko na tinambangan kayo sa daan,” emosyonal na sabi sa akin ni Mommy. Napabuntonghininga ako dahil alam ko kung paano mag-alala ang aki

