DRAKE It takes me a lot of courage para isakatuparan ang planong binuo namin ni Ninong Alex. Pinuntahan niya ako sa opisina ko at binatukan kasama ang iba ko pang Ninong, pati na rin si Ninong Jared, pero hindi sila pinigilan ni Daddy kahit harap-harapan nila akong pinagalitan dahil ang bagal ko daw manligaw. Gusto na raw nila ng apo, kaya kahit natatakot ako na baka magalit sa akin ng tuluyan si Jam at habang-buhay niya akong kamuhian, itinuloy ko pa rin ang pagdukot sa kaniya kasabwat ang pinsan kong si Aidan. Si Drew dapat ang kasama ko dahil magaling rin naman siyang piloto, pero dahil biglaan ang pagtawag ko sa kaniya, kaya hindi raw siya makakarating dahil busy ang kapatid ko noong gabing tinawagan ko siya. Wala na akong ibang choice noong gabing iyon kundi ang tawagan si Ninong

