JAMILLA Hindi ako kinabahan na mahuli agad ako ng mga tauhan ng kanang kamay ng sindikatong target namin dahil walang bakas ang lason sa katawan ng biktima ko. Wala itong lasa kahit ihalo sa pagkain o inumin. Hindi rin ito mapapansin dahil wala itong kulay. Si Sofie ang gumawa nito, pati na rin ang iba pang doktor sa lab, kaya hindi ito available sa black market dahil para lamang ito sa operasyon ng aming organisasyon, at kaming mga Ace's ng Mangna El Cajon ang may first-hand access dito. Nang hindi na gumagalaw ang lalaking nilason ko, ngumiti ako sa lalaking nakatingin sa akin. Sinadya kong mapansin niya ako at hindi inalis ang tingin ko sa kaniya nang ngitian ko siya. “Your boss fell asleep,” sabi ko sa mga kasama ko dito sa VIP lounge. Tumayo na ako at kumindat sa isa ko pang tar

