JAMILLA My adrenaline surged nang makita kong tuluyang nabasag ang salamin ng kotse ni Drake sa driver's seat. Parang nag-slow motion ang lahat sa paligid ko nang patakbo kong dinampot ang mahabang baril sa kalsada at pinaulanan ng bala ang nagulat na mga lalaki na nasa tabi ng kotse ng asawa ko. Hindi nila inaasahan ang biglang pag-atake ko, kaya hindi nila napaghandaan ang ginawa ko. Isa-isa silang bumagsak habang ang iba nilang kasama sa kabila ng kotse ni Drake ay pinaputukan ako, pero mabilis akong nakapagkubli sa likod ng ten wheeler truck. Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong bumukas ang pintuan ng kotse ni Drake sa tabi ng driver’s seat, at lumabas ang asawa ko, kaya nagpaputok agad ako para hindi siya malapitan ng mga nang-ambush sa amin. Mahirap ang sitwasyon dahil walang

