JAMILLA
“What?!”
Naibaba ko ang hawak kong chopsticks at napatingin kay Sofia nang marinig ko ang sinabi niya kay Sabrina.
“Bakit ganyan ang reaksyon mo, Jam?” tanong ni Sofie sa akin. “Hindi ba’t ayaw mo naman kay Drake?”
Nangunot ang noo ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa dahil hindi agad ako nakapagsalita.
“Nagulat lang ako,” napalunok na sagot ko.
“Hindi ba dapat masaya ka na hindi ka na kukulitin ni Drake dahil pinagkasundo na siya sa anak ng kanang kamay ni Ninong Alex?” tanong ni Sabrina sa akin.
“I'm fine with that kung iyan ang gusto niya. I won't bother to say anything,” walang gana kong sagot.
Narinig kong pinag-uusapan nilang dalawa ang tungkol sa dinner date umano ni Drake at ng anak ng kanang kamay ni Ninong Alex.
“Really?” tanong ni Sofie sa akin. “I thought you two were engaged simula ng mga bata pa kayo?”
“Sila lang ang may kasunduan n'yan, hindi ako kasali,” kibit-balikat kong sagot, pero ngumiti sa akin si Sabrina.
“Hmm, why do I feel na nagseselos ka, Jam?” panunukso niya sa akin.
Nangunot ang aking noo at nag-isang linya ang mga kilay ko dahil sa narinig kong tanong ni Sabrina sa akin.
“Bakit naman ako magseselos, e, wala naman kaming relasyon ng lalaking iyon?” tanong ko rin kay Sabrina, pero nagkibit-balikat lang siya.
Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Sofie. Wala na akong narinig na kahit ano mula sa kaniya, pero hindi nakaligtas sa paningin ko kung paano niya ako titigan na para bang gusto niyang mabasa kung ano ang laman ng isipan ko ngayon.
“Mukhang hindi naman interesado si Jam na pag-usapan natin ang lovelife ni Drake, kaya mabuti pang iba na lang ang pagkuwentuhan natin,” narinig kong sabi ni Sofie.
“Let's go shopping!” malakas na sabi ni Sabrina matapos ilapag ang basong hawak niya kanina.
“D'yan ka magaling,” napailing na sabi ni Sofie. “Wala ka na bang alam gawin kundi ang magwaldas ng pera?”
Nanulis ang mga labi ni Sabrina. Gumalaw pa ang kaniyang ulo at balikat, at pagkatapos ay inikutan niya ng mga mata si Sofie.
“Mauna na ako sa inyo,” paalam ko sa kanila.
“Bakit?”
“Busy ka ba?” Magkasunod na nagtanong sa akin sina Sofie at Sabrina.
“Not really,” kibit-balikat kong sagot. “Pero kailangan kong pumunta sa opisina ni Daddy dahil pinatawag niya ako.”
Tinawanan ako ni Sofie nang marinig niya ang sagot ko. “Bakit? May nagawa ka na naman bang kasalanan?”
“Of course, kasalanan niya na ayaw na sa kaniya si Drake kasi napagod na yata ang lalaking iyon na maghabol sa kaniya,” natatawang sabi ni Sabrina.
Inabot niya ang juice at uminom. Nag-thumbs up naman si Sofie at sinabing baka nagsawa na raw ang kaniyang pinsan dahil hanggang ngayon ay ayaw ko siyang sagutin.
Hindi ko na lang sila pinansin. Nagtaas ako ng aking kamay at tinawag ang waiter para hingin ang bill ko.
“No need, ako na ang bahala dito,” mabilis na sabi ni Sofie sa akin.
“Yeah, we're not poor at hindi kami maghihirap kapag binayaran namin ang lemonade mo at lasagna,” sabat naman ni Sabrina.
Inirapan ko silang dalawa. “May pambayad ako,” sagot ko.
Lumapit naman ang waiter sa mesa namin dala ang resibo. Pinagsama na pala niya ang order namin, kaya kinuha ko ang aking black card, pero naunang naglabas ng card si Sabrina.
“My treat!”
“No, I'll pay!” sagot ni Sofie.
Naglabas rin siya ng card, kaya tatlo kaming may hawak ng black card. Hindi tuloy alam ng waiter kung alin sa mga hawak naming card ang kukunin niya, kaya napakamot na lang siya sa ulo.
“Ma'am, isang card lang po,” sabi sa amin ng waiter.
“Ganito na lang, Kuya,” sabi ni Sofie. “Take one, and use it.”
Ang waiter na lang ang pumili kung alin sa mga black card sa harap niya ang kukunin.
“It's mine!” maarteng sabi ni Sabrina.
Card niya ang kinuha ng lalaki, kaya siya ang nagbayad sa kinain namin.
“Thank you sa treat, Sab,” sabi ko sa kaniya.
“Oh, it's nothing,” kibit-balikat niyang sagot.
Kinuha ko na ang aking bag at tumayo na. Matapos magpaalam sa kanila, lumabas na ako sa restaurant dahil hindi ako puwedeng magtagal dito kasi naghihintay sa akin si Daddy.
Dala ko naman ang kotse ko, kaya nagmaneho ako papunta sa kaniyang opisina. As usual, naipit ako sa traffic, kaya usad-pagod ang sasakyang minamaneho ko.
“What the fvck!”
Nahampas ko ang manibela nang maramdaman kong may bumangga sa likuran ng aking kotse, kaya nauntog ako. Tumigil ako sa pagmamaneho at agad bumaba para tingnan kung sino ang pasaway na driver.
Isang itim na Land Cruiser ang nakita ko sa likuran ng aking kotse. Nayupi rin ang kanang bahagi ng sasakyan ko at natanggal pa ang kabilang plaka.
Nag-init ang aking ulo dahil bukod sa tanghali na at siguradong mali-late ako sa usapan namin ni Daddy, ay nasira pa ang aking sasakyan.
Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil hindi man lang bumaba ang driver ng sasakyang nakabangga sa akin. Nilapitan ko ito at kinatok ang bintana. Bumaba naman ang salamin, kaya nakita ko ang lalaking nakaupo sa driver's seat.
“Come out,” utos ko sa lalaki, pero nginisihan niya ako.
“Bakit?” tanong sa akin ng lalaki.
“Anong bakit? Hindi mo ba nakitang nabangga mo ang kotse ko?” inis na tanong ko sa lalaki, pero bumaling ito sa mga kasama at nagtanong.
“Nabangga ko raw?”
Nagtawanan sila na para bang katawa-tawa ang sinabi ko, kaya mas lalo lamang akong nainis sa kaniya.
“Hahara-hara kasi ang kotse mo sa kalsada, Miss,” natatawang sabi ng lalaki sa akin. “Dalhin mo na lang ‘yan sa junk shop at ipakilo mo, tapos bumili ka ng bago para hindi agad nayuyupi kapag binangga ko.”
Sandali akong pumikit para pigilan ang inis na nararamdaman ko bago muling nagsalita dahil baka masuntok ko sa mukha ang lalaking kausap ko.
"Don't you think you should take responsibility for your actions as a driver? You hit my car, and now you're not willing to own up to it or settle the damages? Is that really how you operate, Mr...?” pormal ang ekspresyon na tanong ko sa lalaking driver.
Ngumisi nang nakakaloko sa akin ang lalaki. “Paano kung ayaw ko?”
Hindi ako sumagot, pero tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata.
“What will you do kung ayaw kong magbayad?” tanong sa akin ng lalaki.
“It's up to you,” kibit-balikat kong sagot. “But don't blame me for the consequences of your actions.”
“Tinatakot mo ba ako?” tanong sa akin ng lalaki.
Pinagsalikop ko ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib at tiningnan ng masama ang lalaking kausap ko.
“Ano sa palagay mo, Mr.?”
Malakas na tawanan sa loob ng sasakyan ang sumunod na narinig ko, pero mabilis itong naputol nang biglang umigkas ang aking kamao at tumama sa mukha ng mayabang na lalaking kausap ko.
“Bakit mo ako sinuntok?!” galit na tanong sa akin ng lalaki.
Sapo niya ang mukha habang dumudugo ang nguso at ilong dahil ito ang napuruhan nang tamaan ito ng kamao ko.
Biglang bumukas ang mga pintuan ng kotse at sabay-sabay na lumabas ang mga kasama ng lalaking sinuntok ko. Lumapit sila sa akin, pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
Tiningnan ko sila ng masama at taas-noong hinarap ang apat na lalaking nakatayo sa harap ko.
“Turuan ninyo ng leksyon ang babaeng iyan!” malakas na utos at sigaw ng lalaking sinuntok ko sa nguso.
Nagdurugo pa rin ang ilong at labi niya, pero mukhang hindi pa rin nadala dahil gusto niyang subukan kung hanggang saan ang pasensya ko.
“Sigurado ka ba, na iyan ang gusto mo at ayaw mong bayaran ang damage na ginawa mo sa kotse ko?” walang emosyon na tanong ko sa lalaking pasimuno ng kaguluhang ito.
“Ako, magbabayad?” tanong ng lalaki sa akin. “Hindi mo ba ako kilala, Miss?”
“Sa tingin mo, may pakialam ako sa identity mo?” mataray kong tanong.
Ngumisi sa akin ang mga lalaking kaharap ko, pero nangunot lang ang aking noo at tiningnan ko siya ng masama.
“Bakit, sino ka ba?” taas-noo kong sagot.
“Anak ako ng congressman sa buong lugar na ito!” pasigaw na sagot ng kausap ko.
Kaya pala mayabang ang hayop na iyon dahil may malaki siyang backer, pero hindi ako si Jamilla Laxamana na papayag na ma-bully ng lintik na anak ng buwaya at walang gagawin para ipagtanggol ang aking sarili.
Pinindot ko ang voice call sa suot kong smartwatch na naka-link kay Adi. Hindi nagtagal, sumagot ang pinsan ko, kaya inutusan ko siyang i-off ang lahat ng CCTV footage dito sa lugar na kinaroroonan ko.
“Adi, hack the network in this area and make sure na walang signal sa lahat ng cellphone na nasa paligid ko,” utos ko kay Adi.
“Copy,” mabilis niyang sagot. “Kailangan mo ba ng backup?”
“No need,” sagot ko, at pagkatapos, hinarap ko ang mga lalaking nasa harap ko.
“I'm giving you a chance para hindi sumakit ang mga katawan ng mga kasama mo,” sabi ko sa lalaking bumangga sa akin. “Pay all the damage, or else, sisingilin pa kita ng mas mahal.”
Nagtawanan ang mga lalaking kaharap ko. “Narinig ninyo, guys? Tinatakot tayo ng babaeng ito—”
Bigla kong sinipa sa pagitan ng kaniyang hita ang lalaking kaharap ko at pagkatapos, tumama sa leeg nito ang kamay ko, kaya bigla itong nawalan ng malay at bumagsak sa harap ko.
“Who's next?” taas-noo kong tanong.
Nagkatinginan ang mga lalaking kasama ng anak ng congressman at pagkatapos, bigla silang sumugod sa akin ng sabay-sabay, pero hindi nila inaasahan ang mabilis na galaw ng aking mga kamay at paa, kaya lahat sila ay sunod-sunod na bumagsak at ngayon ay nakahandusay sa kalsada.
“Huwag lang lalapit sa akin!” sigaw ng anak ng congressman, pero dahil nasa mood ako ngayon, humakbang ako palapit sa kaniya.
“Babayaran ko na ang kotse mo, Miss,” nanginginig na sabi nito nang tumigil ako sa harap niya.
“It's too late,” sabi ko sa kaniya.
“Ano'ng —”
Dinakot ko ang kaniyang buhok at kinaladkad ko palapit sa kaniyang sasakyan at pagkatapos, mabilis kong inumpog ang kaniyang ulo sa salamin ng kotse, kaya nabasag ito. Pero kahit maraming tao ang nakakita sa ginawa ko, wala akong pakialam at itinuloy ang ginagawa kong pagbasag sa mga salamin ng Land cruiser sa harap ko gamit ang ulo ng anak ni Congressman Martin.