Chapter 6

1750 Words
JAMILLA “Dammit, what have you done earlier, Jamilla?!” galit na tanong ni Mommy nang pumasok ako sa loob ng bahay. Instead na sa opisina ni Daddy ako pupunta, ay pinapunta ako ng aking ina dito sa aming mansion. Mukhang nakarating na sa kaniya ang nangyari kanina, kaya ganito na lang ang nakikita kong galit ng aking ina. “Hindi porke't ipinamana na sa iyo ni Jared ang organisasyon niya sa Australia ay magiging basagulera ka na, Jamilla!” malakas na sermon sa akin ni Mommy. “They started it first, Mom,” sagot ko, pero natigilan ako nang hampasin ni Mommy ang armrest ng sofa. “Can't you just avoid trouble para hindi ka napapaaway lagi, Jamilla?” galit na tanong ni Mommy sa akin. “Alam mo ba kung sino ang nakabangga mo?” “Yes, Mom,” mahina kong sagot. “Gano'n naman pala, bakit sumigi ka pa?” muling tanong ng aking ina. “You're always inviting yourself into trouble!” Sermon ang inabot ko sa aking ina. Ganito naman palagi ang nangyayari kapag nasabit ako sa gulo, kaya normal na sa akin ito. Hindi na rin ako nagtatampo dahil matigas at matibay na ang aking dibdib sa ganitong sitwasyon. “I'm sorry for what happened today, Mom, but I'm not the one who started it,” paliwanag ko sa aking ina. “He abused me verbally. Binangga niya ang kotse ko and even dared to insult me and asked his men to hit me.” “Punyeta! Sana sinabi mo agad para pinutulan ko ng mga kamay at paa ang anak ni Congressman Martin!” Lihim akong napangiti dahil kahit matigas si Mommy, pagdating sa akin ay hindi siya nagdadalawang-isip na sugurin ang kalaban namin kapag nalaman niya kung paano ako ininsulto ng mga lalaking iyon kanina at tinangka nilang saktan ako. “Hinihintay po ako ni Daddy sa opisina niya, Mom,” sabi ko sa aking ina para may dahilan akong umalis ng bahay. “Bakit daw?” masungit na tanong ni Mommy sa akin, pero sinabi kong wala akong ideya. Wala na akong ibang narinig mula kay Mommy. Inutusan niya akong umakyat sa silid ko at maligo, pero sinabi kong uuwi rin agad ako sa condo unit ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, kaya ayaw ko munang pumunta kahit saan. Dapat dadaan din ako sa opisina ko, pero sa tingin ko, kailangan ko nang tawagan ang aking sekretarya para sabihin sa kaniya na i-cancel muna niya ang ilang appointment ko ngayong araw. Katabi ko si Mommy nang tawagan niya si Daddy, kaya narinig kong nagsumbong ang aking ina tungkol sa nangyari kanina. “I want you to crumble his leg, Jared! Hindi mo nakita kung paano pinagtangkaang saktan ng anak ni Congressman Martin ang anak natin?!” Kanina, kalmado pa si Mommy, pero ngayon, siya naman ang nanggagalaiti sa galit. Sinigawan pa niya si Daddy, kaya mukhang pauwi agad ang aking ama dito sa bahay para pakalmahin si Mommy dahil alam niya ang ugali ng aking ina. “I already taught them a lesson, Mom,” sabi ko para pakalmahin siya. “Kulang pa ‘yon, Jamilla. Dapat nilumpo mo na ang gagong iyon at ang mga kasama niya kanina!” galit na sabi ni Mommy sa akin. Sa kaniya ko namana ang ganitong ugali. Pareho kaming maikli ang pasensya ni Mommy pagdating sa ganitong bagay, kaya siguradong makakatikim ng matinding parusa ang mga taong mambabastos sa amin. “You know what, mas mabuti siguro na mag-asawa ka na, Jamilla, para may kasama ka at hindi ka lumalabas ng mag-isa,” sabi ng aking ina. “I'm fine, Mom. Wala pa akong balak mag-asawa,” sagot ko. “Isa pa, alam mo na kaya kong ipagtanggol ang aking sarili.” “Ano pa ba ang hinihintay ninyo ni JC?” tanong ni Mommy. “Bakit ba ayaw pa ninyong mag-asawa, e, tumatanda na kayong dalawa?” Heto na naman ang usapang pag-aasawa, kaya nanahimik na lang ako at tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ng aking ina. “Ang mabuti pa, tawagan ko ang Ninang Leigh mo at nang mapag-usapan na natin ang kasal ninyo ni Drake,” narinig kong sabi ng aking ina, kaya napasimangot ako. “Mom, kalimutan na po ninyo ang tungkol d'yan dahil may ibang babaeng nagugustuhan na si Drake.” “What?” malakas na tanong sa akin ni Mommy. “How did that happen?” Muntik ko siyang ikutan ng mga mata dahil overreacting naman si Mommy. “Inireto siya ni Ninong sa anak daw po ng kanang kamay niya,” paliwanag ko. “And you allow this to happen kahit matagal mo nang alam na may kasunduan na kami ng pamilya ng Ninong Declan mo?” tanong ng aking ina at pagkatapos, tila disappointed siyang napailing sa akin. “Ang akala ko ba, mabuti ang relasyon ninyong dalawa. Ano ba ang nangyari?” Napangiwi ako dahil ako pa ang sinisisi ngayon ni Mommy. Hindi ko alam kung anong nakita niya kay Drake at gustong-gusto nila ang lalaking iyon para sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig kong tinawagan ni Mommy si Ninang Leigh at pinag-usapan nila ang tungkol sa pag-reto ni Ninong Alex kay Drake sa ibang babae. “Ang mabuti pa, pumunta kayo dito sa bahay at mukhang nag-away na naman ang mga bata,” narinig kong sabi ni Mommy kay Ninang Leigh. “Mom—” “Shut up, Jamilla, huwag kang sumabat sa usapan ng matatanda,” sabi agad ni Mommy sa akin. Napabuntonghininga ako dahil wala akong magawa kundi makinig sa kaniya. Hindi rin ako puwedeng umalis nang walang paalam sa aking ina dahil siguradong pagagalitan niya ako. Iniwan ko siya sa sala at umakyat sa silid ko. Kahit hindi na ako nakatira dito, ay may sariling silid pa rin ako dito sa mansion, kaya may privacy ako kapag gusto kong manatili dito. Pagpasok ko pa lang sa silid ko, ay nakita ko agad na malinis ang mga gamit ko at maayos na nakaayos kung saan ko iniwan. Maayos ang lahat kahit paminsan-minsan na lang ako dumalaw dito. Hinubad ko ang suot kong jacket at pasalampak na umupo sa sofa. Masakit ang aking ulo ngayon dahil mainit sa labas kanina, tapos napaaway pa ako sa kalsada, kaya pumikit ako, pero bumalik sa isipan ko kung anong nangyari kanina sa kalsada. Siguradong nasa ospital ngayon ang anak ni Congressman Martin dahil nabugbog ko ang gagong iyon. Baka nga kung minalas siya ay maooperahan pa siya dahil ginamit ko ang ulo niya sa pagbasag sa lahat ng salamin ng kaniyang kotse. Pagkatapos, kinuha ko ang baril ko sa compartment ng aking kotse at pinuputukan ko ang bawat gulong ng kaniyang sasakyan. May dumating na pulis, pero nakasakay na ako sa kotse ko at pinasibad ko na palayo. Pero bago ko ginawa iyon, siniguro ko na lahat ng kaibigan ng anak ni Congressman Martin ay nabasag ko ang mga itlog nila bago ko iwan. Minalas sila dahil maling babae ang nakatagpo nila. Siguradong pinagsisisihan na nila ang ginawa nilang pang-insulto sa akin dahil pare-pareho silang naka-confine ngayon sa ospital. Dahil sumakit ang ulo ko, pumikit muna ako para makapag-relax. Hindi naman ako na-stress kanina, pero hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko. Masakit rin ang likod ko ngayon dahil naalog ako sa kotse kanina nang mabangga ng anak ni Congressman Martin ang sasakyan ko. Sa tingin ko, kailangan ko ng masahe dahil nabugbog ang katawan ko, kaya tumawag ako sa spa at nagpa-book ng home service na masahe. Matapos makapag-set ng appointment, naligo na ako para presko ang pakiramdam ko. Pagkatapos, nagsuot ako ng roba. Dahil malapit lang naman ang spa center na tinawagan ko, hindi ako naghintay ng matagal. Pagdating ng massage therapist na magmamasahe sa akin, humiga agad ako sa kama at sinimulan namin ang masahe. Dahil masama ang pakiramdam ko, nakatulog ako. Nagising lamang ako nang gisingin ako ng therapist at sinabing sa harap naman niya ako imamasahe dahil tapos na siya sa likod at mga binti ko. Nakapikit ako at minamasahe ang aking binti ng babaeng kasama ko dito sa silid nang maramdaman kong bumukas ang pintuan. Hindi ako nagmulat ng aking mga mata at nagkunwaring natutulog nang magsalita si Mommy at tinanong ang therapist kung ilang minuto pa bago siya matapos. “Forty-five minutes pa po, Ma'am,” narinig kong sagot ng therapist. “Okay, kapag tapos ka na, gisingin mo ang anak ko at sabihin mo sa kaniya na magbihis dahil may mga bisita kaming naghintay sa ibaba.” “Sige po, Ma'am,” mabilis namang sagot ng babaeng magmamasahe sa akin. Sumara ang pintuan at naramdaman kong lumabas na ang aking ina, pero nagkunwari akong natutulog. Gaya ng utos ni Mommy, ginising nga ako ng therapist nang matapos kami. Kailangan ko rin siyang bayaran at bigyan ng tip, kaya bumangon na ako at nagbayad sa kaniya. “Salamat po, Ma'am,” nakangiting sabi sa akin ng therapist. Nagpaalam na siya sa akin at pagkatapos, lumabas na ng silid ko. Alam kong makikita siya ni Mommy, kaya hindi ko puwedeng magtago dito sa silid. Pumasok ako sa aking wardrobe at pumili ng simpleng cotton maxi dress at pagkatapos magsuklay ay lumabas na at bumaba na. Nadatnan kong nakaupo sa sala sina Mommy at ang mga magulang ni Drake. Nagtama ang aming mga mata, pero nanatiling blanko ang ekspresyon ko kahit nakakaramdam ako ng inis sa kaniya. “Maupo ka, Jamilla,” utos ni Mommy sa akin matapos kong magmano kina Ninong Declan at Ninang Leigh. Tahimik akong umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Drake. Mukhang sinadya nilang dito siya paupuin para magkatabi kaming dalawa. “Bakit kayo nag-aaway?” tanong ni Mommy sa akin. “Hindi po kami nag-aaway ni Jam, Ninang,” mabilis na sagot ni Drake. “Nagtatampo itong si Jam sa iyo dahil nireto ka daw ni Alexander kay Chia,” sabi ni Mommy, kaya napatingin ako sa kaniya dahil hindi naman ganito ang sinabi ko. Pero hindi ko naman magawang itama ang sinabi ng aking ina dahil siguradong pagagalitan na naman niya ako. Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong sumulyap sa akin si Drake na may ngiti sa labi. Sa harap ng mga magulang namin, hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop. Nagsalubong ang mga kilay ko, pero hindi ko nagawang hatakin ang aking braso dahil bukod sa mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Drake, ay nakita kong nakatingin sa amin ang aming mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD