Chapter 7

2124 Words
JAMILLA “Ikaw nga, Drake, huwag mong pinagseselos si Jamilla,” sabi ni Ninang Leigh sa kaniyang anak. “Tingnan mo, minalas ang anak ni Congressman Martin, kaya nabugbog niya si Bonjing at ang mga kaibigan niya.” Napangiwi ako sa aking narinig. Iba talaga ang pagkakaunawa nila sa nangyari kanina, pero kahit sinabi ko sa kanila na hindi ako nagseselos at hindi gano’n ang nangyari, ayaw nilang makinig sa akin. Tahimik naman si Ninong Declan. Nahihiya na ako sa kanila dahil pinapunta pa sila dito ni Mommy sa bahay para lang pag-usapan ang ganitong bagay, gayong hindi naman kami totoong nag-away ni Drake. Palihim kong hinatak ang aking kamay, pero dahil mahigpit ang pagkakasalikop ng aming palad ni Drake, hindi niya ako binitiwan. Ang nakakainis, tahimik siya sa tabi ko at hindi siya nagpapaliwanag sa mga magulang namin para sabihin ang totoo. “Ikaw, Drake, tigilan mo ang pakikinig sa Ninong Alex mo at baka tuluyang mainis sa iyo si Jam at ipagpalit ka niya sa iba,” narinig kong sabi ni Ninang Leigh sa kaniyang anak. Maging ako ay pinagsabihan rin ni Mommy na huwag raw akong maging selosa para hindi kami nag-aaway ni Drake. Napatingin tuloy ako kay Daddy para humingi ng saklolo. Dati, ipinagtanggol niya ako, pero ngayon, tahimik lamang siyang nakikinig sa sinasabi nina Mommy at Ninang Leigh. “Mom, Dad, hindi po talaga kami nag-away ni Drake,” paliwanag ko. “Ang sabi po ni Jam, ayaw na niya akong makita kahit kailan, kaya hindi na kami nagkikita ngayon,” sumbong ni Drake. Dahil naiinis ako, bigla ko siyang sinipa sa paa. Ang tanda na niya, pero magaling pa rin siyang magsumbong. Siguradong mapagagalitan na naman ako nito dahil nagsumbong siya sa magulang namin. “Para hindi na kayo nag-aaway ng ganyan, magpakasal na kayo bukas,” utos ni Daddy sa amin. Nanlaki ang aking mga mata. Napatayo ako, pero agad rin namang umupo sa tabi ni Drake dahil tiningnan ako ng masama ni Mommy. “Ayaw ko pong magpakasal,” seryoso ang ekspresyon na sagot ko. “Bakit?” tanong ni Mommy sa akin. Napatingin ako kay Drake. “Ah, ayaw namin ni Drake sa isa't isa,” mabilis kong sagot. “I didn't say that, Jam,” mabilis na sabi ni Drake, kaya tiningnan ko siya ng masama. Ayaw niyang makipag-cooperate, kaya sa akin nabunton ang sisi. Alam naman niya ang totoong estado ng relasyon namin, pero nagpapanggap siya na okay kaming dalawa, at ako ang may problema dahil nagseselos ako. “Ayaw mo ba talagang magpakasal sa anak ko, Jam?” tanong ni Ninang Leigh sa akin. “Opo,” mahina, pero seryosong sagot ko. “Kung gano'n, hindi natin siya puwedeng pilitin kung ayaw magpakasal ni Jam kay Drake—” “No, Mom!” mabilis na sabat ni Drake. “May kasunduan po tayo, and everyone is agreed with that.” “Alam ko,” sagot ni Ninang Leigh. “Pero hindi natin mapipilit si Jam kung ayaw niya. She has to say whatever she likes, dahil siya ang magpapakasal sa iyo. Hindi porke't gusto mo ang kinakapatid mo ay itutuloy natin ang kasal ninyo kahit ayaw niya.” Namayani ang katahimikan sa aming lahat. Walang nagsalita matapos naming marinig ang sinabi ni Ninang Leigh. I admire her courage to speak up for me. Kaya mahal na mahal ko si Ninang Leigh dahil pinipili niya ang tama at kahit anak niya si Drake, hindi niya ako pinilit na pakasalan ang kinakapatid ko. “Drake, are you really serious about marrying my daughter?” narinig kong tanong ni Daddy. Ngayon lang siya nagsalita, kaya napatingin ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung bakit niya ito tinatanong kay Drake. “You know how I have loved Jam since we were children, Ninong,” mabilis na sagot ni Drake. “How about you, Jamilla?” tanong ni Daddy sa akin. “Can you consider marrying Drake—” “No, Dad,” mabilis kong sagot. “And you know that dahil palagi kong sinasabi na ayaw kong magpakasal sa kaniya dahil lamang sa kasunduan ninyo ni Ninong Declan.” “Watch your tone, Jamilla,” utos sa akin ni Mommy. “Don't forget who you are talking to!” I speak up for myself, dahil alam ko kung saan patungo ang usapang ito. Kapag hindi ako magsasalita, siguradong mauuwi na naman ito sa plano nilang kasal. “May karapatang magsalita si Jam, Camilla,” pagtatanggol ni Ninang Leigh sa akin. “Siya naman ang ikakasal, kaya kailangan din natin siyang pakinggan.” Napatingin ako kay Drake dahil humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Masakit ang aking mga daliri dahil halos mabali na ito, pero mukhang hindi niya ito napapansin. “They have been okay since childhood,” sabi ni Daddy. “And eventually, kapag kasal na sila, matutunang mahalin ni Jamilla si Drake dahil mahal na mahal niya ang anak ko.” Napangiwi ako habang nakatingin kay Daddy. Boto talaga siya kay Drake kahit noon pa. Hindi ko makakalimutan ang araw na narinig kong kinausap siya ng kinakapatid ko at sinabi ni Drake sa kaniya na gusto niya akong pakasalan balang-araw. We have the same circle of friends. We grew up together, pero hindi ko nakikita ang aking sarili na maging asawa ni Drake dahil hindi naman ako attracted sa kaniya. “Excuse me po, gagamit lang po muna ako ng banyo,” paalam ko sa kanilang lahat. “Baka doon ka na matulog at hindi ka na naman makabalik dito mamaya, Jamilla,” sabi ni Mommy sa akin. Alam kong may ideya siya na nagdahilan lang ako dahil gusto kong makalayo sa kanila. Ganito kasi ang ginagawa ko kapag kasama ko sila at matagal akong babalik, o kaya naman, bigla na lang akong nawawala. Tipid na ngiti ang sinukli ko kay Mommy. Hindi na ako sumagot at piniling maglakad palayo sa kanila para makalayo ako sa kanilang lahat. Hindi ako tumuloy sa banyo. Minabuti kong pumunta sa veranda para magpahangin dahil pakiramdam ko'y tila ba naninikip ang aking dibdib. Gabi na pala, kaya nakakaramdam ako ng gutom, pero ayaw kong bumalik sa loob ng bahay dahil siguradong makikita nila ako. Dinukot ko ang aking cellphone at tinawagan ko si Sofie, pero ilang ulit nang nagri-ring ang cellphone niya ay hindi niya sinasagot. Si Sabrina ang sumunod kong tinawagan. Hindi naman ako nabigo dahil agad niyang sinagot ang tawag ko at narinig ko ang tinig niya mula sa kabilang linya. “Where are you, Sab?” tanong ko sa kaniya. “Here in Hong Kong,” mabilis na sagot ni Sabrina. “Anong ginagawa mo d'yan?” tanong ko sa kaniya. “Gusto kong mag-unwind,” maarteng sagot ni Sabrina. “‘With who?’” muli kong tanong. “Ako lang.” Hindi na bago ito sa akin. Kanina lang ay kasama ko silang kumain sa restaurant, pero ngayon, nasa Hong Kong na agad ang babaeng iyon. Normal na kay Sabrina ang mag-travel, kaya hindi na ako nagtataka na naroon siya dahil kung saan-saan siya pumupunta. Mukhang busy ang dalawang babaeng iyon ngayon, kaya wala akong makasama lumabas. Si Adi at Draven naman, ayaw ko munang makita sila ngayon dahil siguradong tutuksuhin na naman nila ako, lalo na kapag nalaman nila na nagseselos ako sa babaeng nireto ni Ninong Alexander kay Drake. Mapang-asar si Adi. Si Draven naman, simple lang kung magsalita ang isang iyon, pero wala na akong ibang maririnig sa kaniya ngayon kundi ang tungkol sa kapatid niya. Puwede ko sanang tawagan si Aryan, pero baliw ang lalaking iyon. Mabo-boring lang ako kapag siya ang kasama ko. Si Danaya naman ay siguradong hindi sasama sa akin dahil nakabantay siya kay JC. Ayaw ko namang tawagan si Drew dahil mainit pa ang ulo ko sa lalaking iyon dahil sa kalokohang ginawa niya isang linggo. Si Aliandrie ang naisip kong tawagan. Sa lahat ng kinakapatid ko, siya ang may least busy na schedule, pero hindi rin niya sinagot ang tawag ko, kaya ang huling option ko na lang ay si Arvin. Pumasok ako sa kusina at inutusan ko ang kasambahay na kunin ang aking bag, pati na rin ang susi ng kotse ko sa loob ng aking silid. Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko at ibinigay sa akin ang hinihingi ko. Hindi na ako bumalik sa loob ng bahay. Pumunta ako sa garahe at mabilis na sumakay sa aking kotse. Agad ko itong pinasibad at nagmaneho paalis ng bahay. Wala akong tiyak na pupuntahang lugar, kaya nagmaneho lang ako nang walang direksyon. Balewala sa akin kung saan ako pupunta hanggang napadpad ang kotseng minamaneho ko sa tapat ng isang hotel. Ipinarada ko ang kotseng minamaneho ko at agad na bumaba ng sasakyan. Gusto ko munang mapag-isa, kaya pumasok ako sa hotel para mag-check in. “Ma'am, deluxe room na lang po ang available,” sabi ng receptionist sa akin. “Okay,” tipid kong sagot. Matapos bayaran ang silid na nakuha ko, sinabihan ko ang receptionist na dalhan ako ng pagkain sa silid ko. Binigyan niya ako ng menu at pinapili kung anong gusto kong kainin, pero nagbago ang isip ko nang makita ko ang alak. “One bottle of this,” sabi ko at pagkatapos, nag-order ako ng sisig. “Enjoy your stay, Ma'am,” nakangiting sabi sa akin ng receptionist matapos ibigay ang susi ng silid na tutuluyan ko. Sumakay ako sa elevator. Tumigil ito sa palapag na tutuluyan ko, kaya lumabas na ako. Tamang-tama lang ang laki ng kuwartong nakuha ko. Wala na akong pakialam kahit ano pa ang disenyo dito sa loob dahil gusto ko lang mapag-isa ngayon. Hindi nagtagal, dumating ang inorder kong alak at pulutan. Nang makaalis ang waitress, agad kong binuksan ang whiskey at nagsimulang uminom ng alak. I need this right now. I drink casually, pero hindi pa ako nalalasing, kaya gusto ko itong maranasan ngayon. Mas mabuti kung dito ako uminom. Risky kung sa bar ako malalasing dahil public place iyon at hindi ko kilala ang mga taong nasa paligid ko. Dito, ligtas ako. No one can come inside dahil naka-lock ang pintuan at walang nakakaalam kung nasaan ako. Napangiti ako dahil siguradong hindi na ako masusundan ni Drake dito. Hindi niya alam kung saan ako pumunta at wala siyang ideya kung anong silid ang kinuha ko dahil ibang pangalan ang ginamit ko nang pumasok ako dito sa hotel. Lihim na nagbubunyi ang kalooban ko dahil naisahan ko ang lalaking iyon. Natakasan ko sila sa bahay, at hindi rin nila alam kung nasaan ako ngayon. Pinatay ko rin ang aking cellphone para hindi ako matawagan ng mga magulang ko, kaya wala akong ibang dapat gawin ngayon kundi ang mag-enjoy at uminom ng mag-isa habang nakatingin sa labas ng bintana at pinapanood ang mga nagkalat na sasakyan sa kalsada sa ibaba ng building. Nilagok ko ang alak na sinalin ko sa baso. Naramdaman kong nanuot ang lamig at init ng mapait na likido sa lalamunan ko, kaya napapikit ako. Sumilay ang ngiti sa labi ko dahil napagtanto kong masarap din palang uminom ng mag-isa at malayang malasing. Sunod-sunod na lagok ng alak ang ginawa ko, hanggang nakalahati ko ang baso, pero dahil hindi naman ako sanay malasing, ay agad akong nakaramdam ng pagkahilo at pamimigat ng talukap ng aking mga mata. Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong umiinom ng alak. Itinuloy ko lang ang pag-inom kahit magaan na ang pakiramdam ko sa aking ulo at nanlalabo na ang aking paningin. Nabitawan ko na rin ang hawak kong baso, kaya pagapang akong lumapit sa kama at humiga sa ibabaw nito. Dahil sa kalasingan, agad akong nakatulog, pero nagising ako nang maramdaman kong may kasama ako dito sa silid. Marami akong nainom, kaya nalasing ako. Hindi ko alam kung dinadaya lamang ako ng aking paningin, pero nangunot ang aking noo nang maamoy ko ang pabangong pamilyar sa akin. “D-drake,” mahinang usal ko. Inangat ko ang aking kamay para abutin ang kaniyang mukha, pero dahil nanghihina ako, kaya bumagsak ang aking braso sa kama. “You're here.” Napailing ako agad. “No, you're not here. You can't be here.” Wala akong narinig na kahit ano mula sa taong kasama ko, pero naramdaman kong hinawi niya ang aking buhok at hinaplos ang aking pisngi. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng aking balat. Gumalaw ang aking mga kamay nang maramdaman kong may humalik sa aking labi, pero nangunot ang aking noo dahil sandali lang ito. Lasing lang ako and it's just part of my experience of being drunk, kaya nagha-hallucinate ako ngayon. I'm sure, hindi si Drake ang kasama ko ngayon dahil natakasan ko siya, kaya hindi puwedeng nasundan niya ako. Pero nakakainis, kahit lasing ako, ay laman pa rin siya ng isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD