JAMILLA “Ano ba?” asik ko sa taong kasama ko dito sa silid. Naramdaman kong binuhat niya ako, pero agad rin namang lumapat ang katawan ko sa kama. Kahit gustuhin ko man na magmulat ng aking mga mata, ay hindi ko magawa dahil mabigat ang aking mga talukap. Pakiramdam ko ay wala akong lakas, kaya kahit pilit ko siyang itinutulak palayo sa akin nang humiga siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit. Lasing ako at nanlalabo ang aking kaisipan, pero alam ko ang nangyayari sa paligid ko. Gusto ko sanang bumangon para lumabas ng silid na tinutuluyan ko, pero wala akong lakas para gawin ito dahil tuluyan akong iginupo ng alak. Dahil sa kalasingan, nakatulog ako, pero nagising akong masakit ang ulo at nahihilo. Akmang babangon sana ako nang maramdaman kong may mabigat na kung ano ang nakada

