JAMILLa Nagkunwari akong natutulog dahil ayaw kong kausapin ang kinakapatid ko. Hindi siya umalis dito sa hotel room na kinuha ko dahil inaantok pa raw siya, kaya hanggang ngayon ay magkasama pa rin kaming dalawa. Suot ko rin ang kaniyang t-shirt dahil hindi pa hinahatid ng staff ng laundry na pinadalhan ni Drake ng aking mga damit, kaya hindi ko rin ito mahubad sa aking katawan dahil ayaw kong magkasama kaming dalawa tapos hubo't hubad naman ako. Hindi ko rin siya magawang ipagtabuhan dahil ayaw niyang sabihin kung saang laundry niya dinala ang mga damit ko. Wala akong ekstrang bihisan, kaya wala akong opsyon ngayon kundi isuot ang damit niya kahit naiinis ako sa kaniya. Matalino ako, pero masyadong mautak ang kinakapatid ko. Controlling din siya, gaya ng ginagawa niya ngayon, kaya ay

