JAMILLA Hindi ko alam kung makakatulog pa ako dahil kanina pa ako frustrated sa lalaking kasama ko at katabi dito sa kama. Wala naman siyang ibang ginagawa, pero hindi ako komportable na nakayakap siya sa akin at nakasiksik ang mukha ko sa kaniyang malapad at matigas na dibdib. Nanunuot sa ilong ko ang pinaghalong amoy ng kaniyang katawan at ng kaniyang pabango. Ayaw rin paawat ng mabilis na pintig ng aking puso, kaya paano ako makakatulog kung distracted ako. “Jam, sleep,” bulong ni Drake sa akin. Gumalaw ang kaniyang braso at mula sa bewang ko ay napunta ito sa balikat ko. Napapikit ako nang suklayin niya ang aking mahabang buhok gamit ang kaniyang mga daliri at pagkatapos, marahan niyang minasahe ang aking ulo. Napapikit tuloy ako dahil masakit nga ang aking ulo. Dulot marahil ito

