Chapter 92

1488 Words

JAMILLA Dahil alam kong abala ang lahat at nag-aalala sila kay Danaya, minabuti kong tumulong para mapabilis ang paghahanap namin sa kaniya. Matagal nang sakit ng ulo ng council ang Scorpion Syndicate. Alam naming nanganganib sa kamay nila si Danaya ngayong hawak nila ang kinakapatid ko, at hindi nila sasayangin ang pagkakataon na makaganti kay Ninong Dexon ngayong may alas sila laban sa kaniya. Isinara ko na ang laptop ng kapatid ko at tumayo na ako. “Punta tayo sa base,” sabi ko kay Drake. “Are you sure you're okay now?” agad na tanong ni Drake sa akin. “Oo,” mabilis kong sagot. “Don't worry about me. I swear I'm fine now.” Mukhang ayaw niyang maniwala, kaya hinawakan ko sa braso si Drake at hinatak palabas ng opisina ni JC. “Sige na, samahan mo na ako sa base,” makulit na pakius

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD