JAMILLA Nadatnan naming kasama ni JC ang aming mga magulang, pati na rin ang kapatid naming si Trixie, nang pumasok kami ni Drake sa kaniyang opisina. Lahat sila ay napatingin sa amin ng asawa ko, pero walang nagtanong sa amin kung bakit kami magkasama ngayon. “Any update?” agad kong tanong sa aking pamilya nang lumapit ako sa kanila. “Wala pa kaming balita kung sino ang dumukot kay Danaya,” sagot ni Mommy. Tahimik sa tabi niya ang bunso kong kapatid. Hawak niya ang kamay ni Mommy habang si JC naman ay hindi mapakali. Nagpalakad-lakad siya sa harap namin habang hawak ang cellphone. Si Daddy naman, kaharap ang laptop ni JC. Ramdam ko ang mabigat na atmosphere dito sa silid dahil lahat kami ay nag-aalala para kay Danaya. Siguradong hindi maganda ang kalagayan niya ngayon kung totoong

