JAMILLA Ilang araw na akong hindi makakilos at makapagsalita. Tanging pagkurap lamang ng aking mga mata at pagkibot ng mga labi ang kaya kong gawin. I know my Dad gave me the best doctor para sa mabilis na gamutan ko, pero mabagal pa rin ang recovery ko. Hindi ako nasanay na walang ginagawa at nakahiga lamang. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng labis na panghihina, at habang tumatagal, pakiramdam ko ay lalo pa akong nawawalan ng lakas. Palaging masakit rin ang aking ulo, pero hindi ito naging hadlang para paulit-ulit kong subukan na maigalaw ang aking mga kamay at paa. Hindi ako puwedeng mabalda habang buhay. I have a lot of plans for myself. I have a bright future, so I push myself and exert a lot of energy para makagalaw ako, pero ayaw makisama ng katawan ko. Si Daddy lang ang duma

