JAMILLA Masakit ang aking ulo at mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog, dahil nagising ako sa silid na hindi pamilyar sa akin. Nangunot ang aking noo nang magmulat ako ng aking mga mata habang nakatitig sa kisame, dahil sinubukan kong igalaw ang aking katawan, pero hindi ako makagalaw. Mukhang hinang-hina ako, kaya wala akong kontrol sa aking sarili. Iginala ko ang aking paningin at napagtanto ko na nasa ospital ako at napapalibutan ako ng mga aparato sa paligid ko. Wala akong nagisnan na kasama dito sa silid. Maliwanag naman ang paligid ko, pero masakit ito sa mata ko at nasisilaw rin ako sa liwanag na nagmumula sa ilaw. Gusto ko sanang bumangon para hanapin ang bell button, pero hindi ko naman maigalaw ang aking katawan. Tan

