JAMILLA Dahil masama pa rin ang aking pakiramdam, hindi muna ako pumapasok sa opisina. Maging si Drake ay hindi rin ako iniwan dahil nakikita niyang hirap akong kumilos mag-isa. Dito na muna niya ginagawa ang trabaho sa bahay. Lahat ng meeting at appointment niya sa labas ay pinacancel muna ni Drake dahil ayaw niya akong iwan kasi maselan talaga ang pagbubuntis ko, tapos palagi akong nahihilo at nagsusuka. Hirap ako sa aking pagbubuntis, kaya natatakot si Drake na umalis siya na wala akong kasama. Kahit ako rin ay naging paranoid na rin kasi ilang ulit akong sinabihan ng mga doktor ko sa Australia na wala akong kakayahan na magbuntis, kaya hindi ko masabi sa kaniya na natatakot akong magpa-check up dahil baka kung ano na naman ang makita ng doktor na susuri sa akin. Twenty-four hours

