JAMILLA “Jam, sandali lang,” pigil ni Drake sa akin nang hatakin ko ang suot niyang t-shirt pataas sa kaniyang katawan. “Bakit?” Huminga ng malalim si Drake para marahil pakalmahin ang kaniyang sarili. “Tatawagan ko muna ang doktor mo,” humihingal na tanong niya. Nangunot ang aking noo habang nakatingin sa kaniya. “Bakit mo siya tatawagan?” “Baby, ayaw kong may masamang mangyari sa inyo ng anak natin kapag nagpadalos-dalos tayo, kaya gusto ko munang humingi ng advice sa doktor mo,” malumanay niyang paliwanag sa akin. Nanulis ang dulo ng aking mga labi dahil nabitin ako. Huminga ako ng malalim at umalis sa kandungan ni Drake dahil nag-init ang aking ulo. “Huwag na! Maliligo na lang ako!” masungit na sagot ko. Tatayo sana ako, pero humigpit ang nakayakap na mga braso ni Drake sa ak

