JAMILLA Sinamahan ako ni Drake papunta sa ospital kung saan naka-confine ngayon si Danaya. Ang sabi ni JC nang tawagan ko siya ay ligtas na raw ang kinakapatid namin, pero matinding hirap ang pinagdaanan niya sa kamay ng grupong dumukot sa kaniya. Mabagal ang takbo ng sasakyan ni Drake dahil nag-iingat siya habang nagmamaneho na huwag masyadong maalog at gumalaw ang kaniyang kotse kasi mabilis akong mahilo at magsuka. Minabuti kong pumikit dahil ramdam ko ang maya't mayang pagpintig ng ugat sa aking ulo, kaya sumandal ako at umayos ng upo para hindi mahilo. “Jam, kumusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka na naman ba?” magkasunod na tanong ni Drake sa akin nang tumigil ang kaniyang kotse sa tapat ng traffic light. “Hindi, pero sumasakit ang ulo ko,” nakapikit kong sagot. “Malapit na tay

