JAMILLA Nang dumating sina Aidan at ang iba ko pang mga ninong, ninang, at pati na rin ang mga kinakapatid namin, nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na akong umuwi. Pumayag naman agad si Mommy dahil alam niyang hindi maganda ang aking pakiramdam. Bago kami umalis, natawa ako kay Trixie nang sabihin niya kay Mommy na gusto raw niya ng isa pang kapatid. Abot-tainga naman ang ngiti ni Daddy dahil natuwa siya sa narinig. Noon pa man, gusto niya ng isa pang anak, pero ayaw na raw ng aking ina dahil hindi na niya kayang magbuntis pa. “Drake, samahan mo na si Jamilla,” utos ng aking ina. Agad namang sumagot si Drake at ngumiti kay Mommy. “Sige po, Ninang.” Ngumiti ako kay Daddy. Humalik ako sa pisngi niya at naglalambing na yumakap sa kaniya. “I miss you, Dad,” pabulong na sabi ko sa ak

