JAMILLA Dito kami kumain ng tanghalian sa bahay ng mga magulang ni Drake. Tuwang-tuwa si Ninang Leigh nang nalaman niyang buntis ako at triplets pa. Dahil triplets din ang first pregnancy niya, marami siyang ibinigay na tips sa akin on how to overcome the fear of pregnancy pati na rin kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin habang buntis ako. Sinabi rin niya na puwede akong mag-enroll sa yoga class para sa mga buntis para hindi ako mahirapang manganak. Marami akong natutunan sa kaniya. Pero hindi ako masyadong makapagpokus sa pakikinig dahil umiikot ang paningin ko at makirot din ang ulo ko. “Ang mabuti pa, samahan mo muna ang asawa mo sa silid mo para makapagpahinga siya,” utos ni Ninang Leigh. Nakita niyang masama ang pakiramdam ko at naduduwal na naman ako, kaya inutusan na

