JAMILLA SIX YEARS LATER Mabilis na lumipas ang mga taon. Anim na taon na ang mga anak namin ni Drake, pero hanggang ngayon, nakabantay pa rin sa kanila ang asawa ko dahil takot na takot siya na manakaw rin ang mga anak namin. Alam niya na kahit mahina na si Lolo Sabby, hindi pa rin siya tumitigil sa pagnanakaw ng mga bata. Hindi ko alam kung sino ang pumalit sa kaniya na gawin iyon, pero malakas ang hinala ko na si Aidan ang sumunod sa yapak ng matandang iyon. Bilang ina, nagpokus muna ako sa mga anak ko sa loob ng isang taon. Si Drake ang pumalit sa akin bilang representative ko sa kompanya at sa pamumuno sa organisasyon, pero katuwang rin niya si Daddy. Work at home muna ako habang hinihintay na lumaki ang mga anak namin at magkaroon na sila ng kakayahan na protektahan ang kanilang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


