Keisha's POV "Nandito na tayo." Sabi ni Erland nang makarating kami sa harap ng bahay nila. Bumaba kami sa limousine na sinasakyan namin mula airport. Sinundo kasi kami nung driver ni Erland dahil tumawag pala siya sa parents niya na umuwi na siya. Nae-excite tuloy akong ma-meet sina Tita at Tito. Matagal ko na rin silang hindi nakikita at nakaka-usap. Nang pumasok kami sa bahay—este mansion nila ay agad kaming sinalubong ng mga maid at nagsipagyukuan ng makita kami. Mayaman naman na sina Erland noon pa, pero mas mayaman na sila ngayon. Mas marami na silang maid and I even saw some butlers and body guards wandering all around. "Baby!" Sigaw ng mama ni Erland at niyakap siya ng makalapit sa amin. "Mom." Nahihiyang saad ni Erland. Napatawa nalang tuloy ako sa aking isip. "Oh. Who are t