Keisha's POV Maaga akong nagising kinabukasan at agad na naligo. Ngayon na kami uuwi pero sabi nila Rhea at Sofia kagabi bago kami matulog na gusto muna nilang mamasyal dahil ngayon lang sila nakapunta dito. Pero kailangan pa naming tanungin 'yung mga lalaki dahil sila lang ang nakaka-alam kung anong oras kami uuwi ngayong araw. Lumabas na ako ng banyo ng naka-roba at pumunta sa bintana at hinawi ang kurtinang nakatakip dito. Ang medyo madilim kong kwarto ay nagliwanag dahil sa sikat ng araw. Napatingin ako sa baba. Simple lang ang suot ng mga tao. The weather seems give them some energy to lightens up their mood. Masigla kasi silang naglalakad. Nagpapatunay lang talaga 'yan na malapit na ang summer. Hinawi ko ulit yung kurtina kaya balik sa dating medyo madilim ang kwarto ko. Nagbihis