Michelle's POV Nandito na kaming lahat sa Arena ngayon. Naghihintay kung kalian magsisimula. Hindi namin kasama sila Nathan ngayon dahil iba ang upuan ng mga nasa top ten. "Huhu! Kinakabahan na talaga ako!" Kahapon pa 'to si Rhea ah. "Galingan mo nalang. We can do this." Cheer up message ni Keisha sa kan'ya. "Good day, Students! Ready na ba kayo?" Sabi ng emcee. "YES!" sigaw nilang lahat. Edi sila na ang excited. Biglang tumahimik ang lahat nang may pumasok na isang babae at lalaki. They have that authority just by walking. Sila siguro ang Queen at King dito sa magic world. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa ngayon. Para akong excited na kinakabahan nang makita ko sila. Nakasunod sa kanila ang mga members ng council at ang mga royal guards. "Michelle," rinig kong bulon