Michelle's POV "She's okay. Hindi lang maganda ang pakiramdam niya ngayon. Pagpahingahin niyo muna siya. Pwede na siyang lumabas nitong hospital bukas." sabi ni Doctor Reyes at lumabas ng silid. Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ng patients bed at pinagmamasdan si Michelle na mahimbing na natutulog. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. I was so worried about her. Matapos niyang ma-freak out kanina ay nahimatay siya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya nang malaman kung ano ang palatandaan namin sa nawawalang prinsesa. May alam kaya siya? "Bakit kaya siya nahimatay, eh kakagising niya nga lang kanina?" Nagtatakang tanong ni Lance. "Hay! Sana magiging okay na siya." sabi ni Rhea. I know them, nagpakilala sila sa amin matagal tagal na. "Paano na 'to? Malapit