Michelle's POV "Mahal na Prinsesa." "Seraphania." bulong ko sa kanyang pangalan. Nandito ako sa lugar kung saan wala akong ibang makita kundi dilim. Isa lang ang sinisigurado ko. May kailangan na naman sa akin ang babaeng 'to. "Ano na naman ang kailangan mo, Seraphania?" Tanong ko sa kanya. Matagal ko na ring nararanasan ang mga ganitong senaryo dahil madalas nagpapakita si Seraphania sa panaginip ko. Pero hindi ito alam nila mama at papa. "May mission akong ibibigay sayo." sabi niya. "Ano 'yon?" Tugon ko habang nakakunot ang aking noo. "Kailangan mo nang makuha ang tiwala ng mga elemental Gods and Goddesses." sabi niya. "Bakit?" Yan nalang ang tanging lumabas sa bibig ko. "Dahil kumikilos na ang mga taga dark phantoms para kunin ka at ng kapangyarihan mo. Kailangan mo nan