Michelle's POV
"What? Bakit naman?" I asked mom and dad.
"You need to, our princess. Hindi ka na ligtas dito sa mundo ng mga normal na tao." sabi ni mom. I heaved a heavy sigh and speak.
"That's not my point mom, Alam kong hindi ako normal na tao. But, kailangan ko ba talagang lumipat ng school?" Bakit biglaan naman ata? Hindi pa ako ready.
"Maghanda ka na kasi aalis ka na mamaya." Dad said. Wait what? Later?
"Ang bilis naman ata dad." pagrereklamo ko.
"Don't worry, hindi ka mag-isa pupunta dun." mom said smiling.
Tumingin ako sa ibang direksyon. "Sinong kasama ko?" I asked.
"Si Keisha Reid. 'Di ba bestfriend mo siya sa school?" Dad said.
"Why do you know her?" I asked, again.
"We know her and her family for a long time. Sabi ng mama niya, sabay na daw kayong pupunta dun sa bagong niyong school ngayong araw." paliwanag ni mom. Wait. Ito na ba yung sinasabi niyang araw kahapon?
Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pag tunog ng aming doorbell.
"Oh, nand'yan na yata si Keisha." sabi ni mommy kaya pumunta na kami ng gate.
Pagkabukas namin ng gate ay tumambad sa amin ang antok na antok pa na si Keisha. Siyempre kahit ako inaantok pa nga lang eh. Hello? 4:36 palang ng umaga. Maaga kasi akong ginising nina mommy and daddy dahil 3 hours daw ang byahe papunta dun. Na curious tuloy ako kung anong klaseng paaralan yung papasukan namin ni Keisha.
"Let's go?" Tanong ni daddy. Tumango nalang kami ni Keisha. Wala akong ganang magsalita ngayon, sa lahat pa naman na ayaw ko ay 'yung ginigising ako ng maaga.
Pumasok na kami ni Keisha sa sasakyan ni daddy kasama si mommy. Kaming dalawa ni Keisha ang nasa backseat, si daddy sa driver's seat at si mommy naman sa passenger seat.
Nakatulog agad si Keisha pagka-andar palang ni daddy ng sasakyan. Tsk! buti pa siya nakatulog agad. Kaya eto ako ngayon, nakasalampak ng headphones ang tenga at nakikinig sa music. Bukod sa pagiging ako ay mahilig din akong making sa music, marunong din akong tumugtog ng mga ibat-ibang instrumento kasi tinuruan ako nila mom and dad nung bata palang ako. Tsaka nakahiligan ko na rin. Lalo na kapag bored ako sa bahay.
~~~
Mahigit dalawang oras narin ang nakalipas pero nag dadrive parin si daddy.
"Dad? Sigurado ka bang dito yung tamang daan?" Tanong ko kay daddy. Nakakunot ang noo ko nang makita na sobrang tahimik ng daan na tinatahak namin. Alam kong maaga pa pero kakaiba kasi ang pagiging tahimik ng kalsada.
"Don't worry, tama tayo ng dinaanan, at tsaka malapit na tayo." sabi ni dad at nginitian ako kaya wala na akong magagawa kundi maghintay nalang.
~~~
"Anak? Gisingin mo na si Keisha, nandito na tayo." Rinig kong sabi ni mom.
Lumingon ako sa aking kaliwa at niyuyugyog ang balikat ni Keisha. "Keish? gising na, nandito na tayo." sabi ko.
"Hmm..." sabi niya habang kinukusot ang kanyang nga mata.
"Halika na," aya ko at bumaba na ng kotse ni dad.
Pagkababa ko ay ang unang bumungad sa akin ay isang napakalaking gate na kulay ginto at kumikinang, tapos may nakalagay na Scarlet Academy. So, this is the school? Weird.
Maya maya pa ay may binanggit si papa na kung anong spell na agad bumukas sa gate.
"Wow!" bulalas ko. Ang ganda dito! Eskwelahan ba talaga 'to o palasyo? Sila mommy at daddy parang ang saya saya. Dito rin kaya sila nag-aaral dati? Si Keisha naman ay nakangiti rin.
"Welcome back Mr. and Mrs. Alvarez." sabi nung babaeng parang nasa mid 40's na pero ang maganda parin. Grabeh! Pang teenager ang kanyang beauty!
"Its good to be back here." Rinig kong utal ni Mommy. "Sigurado akong nagugustuhan mo din dito." dagdag pa niya. Ngumiti rin ako. Sana nga.
Nagsimula na kaming maglakad. At habang ginagawa namin 'yun ay panay ang tingin sa amin--este sa akin lang pala, as in AKIN ng mga estudyante. Problema ng mga 'to? Wala daw kasing klase ngayon ang mga estudyante dito kasi free day daw nila kwento nung babaeng sumalubong sa amin. Tuwing Monday, Wednesday, Thursday at Friday lang daw ang klase at sa Tuesday at Saturday naman daw ay training. Kakaiba rin. Apat na araw lang ang klase.
Pumasok kami sa isang double door. Pagkapasok namin naglakad lakad pa kami sa isang red carpet. Sosyal naman dito. Huminto kami sa harap ng isang brown na pintuan. Kumatok muna si Mommy ng tatlong beses at bumukas ito ng kusa. Wow! Ang high-tech!
Pagkapasok namin ay tumambad sa amin ang isang lalaki na nakaupo sa kanyang swivel chair na sa tingin ko ay kasing edad lang ni daddy. Siya na siguro yung headmaster dito. May nakalagay kasi sa pintuan na 'Headmaster's Office.'
"Welcome back Mr. and Mrs. Alvarez!" Masayang bati nung lalaki tapos binaling ang tingin sa akin. "Oh! Is this your daughter, Edward? Dalagang dalaga na siya." Dagdag niya pa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at binalik ulit ang tingin kina mommy at daddy.
"Please take care of our daughter, Dylan. And also Keisha." sabi ni mommy
"Don't worry, this is the safest place for people like them." nakangiting sabi ni H.M.
Pagkatapos makipagusap nila mom and dad Kay H.M ay napagdesisyonan na nilang umuwi.
"Goodbye for now, our princess." sabi ni Daddy sabay yakap sa akin.
"Sana manatili kayong ligtas gaya ng hangad namin." Sabi ni Mommy. Lumabas na sila ni Daddy sa H.M's office.
"So, how's life Miss Alvarez and Miss Reid?" Tanong ni H.M sa amin.
"Okay lang naman po." sagot naming pareho
"Your dorm number is 1143. The next day pa kayo papasok because it's still training day." sabi ni H.M at binigay sa amin ang mga kakailanganin namin tsaka kami lumabas ng office niya
~~~
"Alam mo ba kung saan yung building ng dorm natin?" Tanong ko kay Keisha.
"Ewan ko ba! Alam naman natin na pareho tayong mga bagong salta dito, 'di na?" Napapoker face ako sa naging sagot niya. Nga naman. Tsk! Tanga ko talaga, bakit ko ba kasi tinanong? "Mag tanong nalang tayo." Dagdag niya na sinang-ayunan ko.
"Excuse me, Miss---"
"Dadaan kayo?" Pambabara nung babaeng inapproach ko. Huminga ako ng malalim. Baka makasapak ako ngayon.
"Alam mo ba kung saan ang girl's dormitory dito?" Si Keisha na ang nagtanong.
"Ah, nasa west wing." Sagot niya at naglakad papalayo.
Agad kaming tumungo ni Keisha sa sinabing lugar. Pagkapasok namin ay napakamot ako ng ulo. Then what?
"Kayo ba ang transferee?" Biglang sulpot ng dalawang babae.
Nagsipagtanguan kami ni Keisha. "Anong room number niyo?"
"Room 1143." Sagot ko.
"Nasa ika-labing apat na palapag ang kwarto niyo." sabi niya. Sumakay kami ni Keisha sa elevator at nagpasalamat muna dun sa dalawang babae.
Pagkarating sa 14th floor, hindi na kami nahirapan pang hanapin yung kwarto dahil malapit lamang iyon sa elevator. Pumasok kami ni Keisha sa isang Mahogany brown na pinto. Pagkapasok namin, bumungad sa amin ang isang silid na para nang bahay dahil sa itsura nito. Kompleto na lahat, meron ng kusina, dining area, banyo, dalawang kwarto at isang laundry room. Ngayon ko lang napansin na nauna na pala ang mga gamit namin dito kaysa sa amin.
"Akin yung room na nasa left side at sayo naman yung right side." sabi ni Keisha. Bale mas malapit ang kwarto niya sa pintuan ng dorm kumpara sa akin.
Pumasok na ako sa aking kwarto at agad na humilata sa malambot na kama.
Hindi ko akalain na malaki pala ang dorm dito. Akala ko kasi ay 'yung mga pangkaraniwan lang. Mabuti na rin kung ganoon.
Maya maya pa ay naisipan kong kumain muna. Kanina pa pala ako walang kain. Lumabas na ako ng aking kwarto at tinungo ang daan papuntang kusina.
Naisipan kong magluto nalang ng adobo para sa amin ni Keisha at pinaresan ng orange juice. Alam ko kasing hindi 'yun marunong magluto eh.
Pagkatapos kong magluto ay pinuntahan ko na si Keisha sa kanyang kwarto. Naabutan ko naman siyang nag-aayos ng mga gamit niya. Mamaya ko nalang siguro aayusin yung akin.
"Keisha? kakain na." pag aaya ko sa kanya. Agad naman niyang binagsak sa sahig lahat ng hinawakan niya kanina at tumakbo papalabas ng kanyang kwarto. Hindi halatang gutom lang teh noh?
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan na namin bumalik sa aming sariling kwarto, bibili daw kami ng mga gamit bukas para sa eskwela.
Pagkatapos kong ayusin ang nga gamit ko ay napagdesisyonan ko na ring matulog.
***