Michelle's POV
Minulat ko ang aking mga mata, 6:00 na pala, bukas na kami papasok.
Bumangon na ako sa kama at dumeretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo agad akong magbihis. Suot ko ngayon ay isang denim shorts na 3 inches above the knee na kulay black at isang black T-shirt na may nakasulat na 'back off' at pinaresan ko rin ng white rubber shoes.
Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng aking kwarto at naisipang magluto ng breakfast gaya ng egg, bacon, hotdog at nagtimpla na rin ako ng kape. Maya maya pa ay lumabas na si Keisha sa kanyang kwarto at binati ako ng magandang umaga kaya binati ko din siya pabalik at nagsimula na kaming kumain. Simple lang ang suot niya ngayon, isang pants na kulay itim at loose shirt na kulay blue.
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan na namin pumunta sa city. Akala ko nga school lang 'to eh, pero may hospital, plaza, mall at etc. pa dito. Ang laki ng lugar na 'to, at tsaka napakamagical.
Sumakay kami ni Keisha sa isang cloud ba 'to o ano? Basta! Lumilipad siya. Alangan namang gumagapang diba? Tangkek! Cloud na gumagapang? Meron ba nun? Naka Indian sit kang kami ni Keisha dito para daw mas komportable (A/n: 'yun po yung sinasakyan ni goku sa dragon ball hehehe) Pero hindi pa kami umaandar kasi by four daw ang sakay every Arshiana dito. Oo, alam ko ang pangalan kasi tinanong ko yung driver dito, taray 'di ba? May driver talaga. Maghihintay pa daw kami ng dalawa para umalis sabi ni manong driver. So, no choice kundi maghintay.
Kumuha ako ng lolipop sa aking bag, mahilig kasi ako sa lolipop, kumakain ako nito pag may iniisip. Iniisip ko kasi kung ano ang magiging buhay ko dito sa eskwelahan na 'to, kung bakit biglaan ang pagpapatransfer sa akin ni mommy and daddy eh hindi naman ako pasaway sa dati kong school. Madalas lang naman akong malate dahil sa pagbabasa ng book of spells sa bahay, pinag-aaralan ko kasi ang ibat-ibang uri ng spell sa book dahil makakatulong daw yun sabi ni mom sa akin.
"Good morning manong Jun!" Bati ng dalawang babae na sumakay rin sa sinasakyan namin at naka-Indian sit din. Teka! Pamilyar sila...
"Hello sa inyo, ako nga pala si Rhea, ito namang katabi ko ay si Sofia. Kayo yung mga transfer student, 'di ba?" Saad nung isa.
"I'm Keisha, and this is Michelle. Salamat pala kahapon." Nakangiting pagpapakilala ni Keisha.
"Wow! Ang ganda niyo naman, anong powers niyo?" Tanong ni Sofia.
"Kili-kili powers? Naku! Wala kami niyan! Yung classmate namin dati meron! Poisonous pa nga eh!" Tanga talaga 'tong si Keisha. Idamay ba naman yung classmate naming niligo ang kalamansi at imbornal sa kili-kili?! Ang bad niya! Hindi niya dapat inaapi ang katulad niyang walang ligo at laging mabaho!
"What I mean is special ability." Sabi ni sofia.
"Ah? Air ang sa kanya at water naman ang sa akin." Sagot ni Keisha.
"Wow! Pareho kayong mga elemental user? Ang galing!" namamanghang sabi ni Rhea.
"Kayo?" Tanong ni Keisha.
"Isa akong Witch, marami akong alam na spells." sabi ni Rhea. Malamang Witch nga diba? Kailan ka kaya makakakita ng witch na tumatumbling?
"Isa naman akong Sorcerer." sabi naman ni Sofia.
"Handa na ba kayo girls?" Tanong ni manong driver at nagsimula nang umandar. Wow, parang pang rated k lang ah, handa na ba kayo? Chos.
~~~
"Wow! Ang saya talaga sumakay do'n!" Natutuwang saad ni Rhea. Kakababa lang namin dun sa Arshiana.
"Guys? Punta tayo do'n oh." sabi ni Keisha sabay turo dun sa maliit na boutique.
"Balita ko marami daw silang bagong Dress na sini-sale ngayon. Kyaaah! Let's go na!" sigaw ni Sofia.
"NEW DRESSES?! HERE WE COME!" sabay na sigaw nilang tatlo at tumakbo papalayo sa akin. Wow lang ha, hindi ba nila ako nakikita dito? Yoho! May tao pa kayong naiwan dito uy! Langya!
Tutal, hindi naman ako mahilig sa mga dress na yan kasi nga 'swag'. Haha! Wow! Suga lang ang peg? Kaya heto ako ngayon nag-iisa~ djk! Nakaupo ako dito sa isang bench na malapit lang sa boutique na pinasukan nung mga abno.
Sinuot ko nalang ang aking headset sa aking tenga at nakikinig sa music habang nakapikit. Ang sarap talaga ng buhay, parang life -_-
---
Xander's POV
Hello guys, Xander Lopez is the name and 18 years of age. Thunder user at alam kong gwapo ako, opsss! Walang aangal haha! Okay, nandito kami ng mga kaibigan ko sa city, gumagala. Siyempre! Alangan namang magka-klase -_-
"Punta kaya tayo sa MTL Boutique, balita ko marami daw silang sini-sale ngayon." napakahilig talaga sa Fashion nitong si Lance. By the way, he's Lance Cortez, 18 din at earth User. And for the second time mas gwapo ako.
"Sige, wala naman tayong ginagawa dito eh, lakad kang ng lakad, nakakapagod." siya naman si Vince Guevara, 18 din. Actually, 18 naman kaming lahat eh. Sasabihin ko nalang sa inyo para hindi na ako magpaulit-ulit pa, isa pala siyang Air User. And For the third time mas gwapo ako.
"Ang tamad mo talaga." 'Yan naman si Frost Perez, Ice manipulator. Kailangan ko pa ba talagang sabihin na ako ang pinakagwapo sa grupo? Alam kong alam niyo na 'yun! Tingnan niyo nalang dun sa Meet The Cast ni Author.
"Tsk!" ang tipid talaga magsalita nitong mokong na 'to. Sige na nga! Inaamin ko na siya ang pinakagwapo sa amin, kahit labag sa kalooban ko sasabihin ko nalang, huhu. Siya si Nathan Marquez, isang Fire Manipulator. Gwapo nga pipi naman. Psh.
Patuloy parin kaming naglalakad ng mga kaibigan ko nang may nararamdaman kaming isang napakalakas na aura, pero agad din naman itong naglaho. Napatingin kami sa isang babae na nakaupo sa bench at may nakalagay na headset sa tenga at nakapikit ang mga mata. Sa kanya ba galing yung napakalakas na aura kanina? Napansin ko na lahat pala kami ng mga kaibigan ko ay nakatigin sa kanya na para bang Natatakot. Well, except kay Nathan na parang wala lang. Nakakatakot naman talaga yung aura na yun eh! Huhuhu, mommy?! I want to go home! >.---
Michelle's POV
I was still closing my eyes when I felt someone, no it's not someone, I think they're 5, I can feel their aura... and they're watching me.
I slowly open my eyes and now, I see five boys looking at me without blinking. I was just looking at them, ao boring. I admit that they're handsome. I just shook my head at that thought. The guy with a red hair and eyes really caught my attention, para akong matutunaw sa bawat titig niya.
"Hey girl? let's go na." Psh. Nakarating na pala 'tong mga abnormal na 'to. Tiningnan ko muli ang lugar kung saan ang mga lalaki kanina ngunit wala na sila, umiling nalang ako. Psh. Ba't ko ba sila iniisip.
"Hoy, anong iniiling iling mo dyan? Iniwan ka lang namin dito tapos pagbalik namin nabaliw ka na." sabi ni Keisha.
"Oo nga Michelle, para lang tanga, pramis!" sabi naman ni sofia.
"Girl, I brought some dress to you. I'm sure na babagay to sayo." sabi ni Rhea sabay lahad sa akin ng isang paper bag
"Naku, Rhea! H'wag mo nang pangarapin na isusuot niya yan. Hindi 'yan mahilig sa mga girly stuffs kasi mas gusto niya yung 'sweg'." sabi ni Keisha kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pero ayun, nag-peace sign lang ang loko.
"Girls, gutom na ako, let's eat na please? Hindi pa naman kami nag-breakfast." sabi ni sofia habang hinihimas himas pa ang kanyang tiyan.
"Let's go." sabi ko at nauna nang maglakad.
---
Nathan's POV
Psh. Ano na naman kaya ang kailangan no'ng taong 'yon?
"Ano kayang kailangan ni Head master sa atin noh?" Tanong ni Lance. Biglaan kasi kaming pinatawag.
"Baka may mission nanaman tayo." Frost said.
"Tama na nga yang mga iniisip niyo, papangit kayo niyan eh! Hindi natin alam ang rason kung bakit tayo pinapatawag ng head, pero malay niyo naman diba....?" Xander said.
"Malay namin na ano?" Frost.
"Wala. Hindi ko din alam eh, hihihi-- aray! Ansakit no'n ah!" Tsk. Ang ingay ng lalaking 'to.
"Pwede bang itikom mo nalang yang bunganga mo kung wala ka namang sasabihing matino?" Inis na sabi ni Frost.
"Ang harsh mo naman sa akin, Frost." Sagot niya sabay nguso. Tsk, gross, minsan talaga nanghihinala na ako sa tunay na gender nitong si Xander eh, para kasing bakla kung umasta. Pano ko ba 'to naging kaibigan?
"Wag ka ngang mag pout bro', para kang pato." sabi ni Lance.
Hindi nagtagal ay nakarating narin kami sa labas ng HM's office.
"Uy, Vince ikaw kumatok." sabi ni Xander.
"Frost, ikaw na kumatok." Vince said.
"Lance, katukin mo daw." frost said.
"Xander, knock the door." I said, coldly.
"What the?! Ako ang nag-utos tapos ibabalik rin pala sa akin?!" reklamo niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi rin siya naka-angal at nakasimangot na kumatok.
"Come in." sabi ng isang boses na nasa loob ng silid.
Pumasok kami sa loob at agad na umupo sa Couch.
"I'll go straight to the point," panimula niya "I want you to find the Heaven power user."
Hindi nalang ako nagsalita at nakatingin lang sa sahig. Sabi ko na nga ba.
"Kailangan natin siyang mahanap bago pa man tayo maunahan ng mga Dark phantoms." sabi ni H.M.
"Saan po namin siya hahanapin?" Tanong ni Vince.
"Pupunta kayong normal world bukas, maghanda na kayo." sabi niya kaya lumabas na kami at dumeretso sa aming dorm. Tsk! Mission na naman.
---
Someone's POV
"Pinuno, nalaman po naming meron daw'ng bagong estudyante ang Scarlet Academy. Hindi lang po siya ordinaryong estudyante lamang, isa siya sa pinakamalakas na nilalang dito sa magic world. Klaro po naming naramdaman iyon." sabi ng aking tauhan
"Ito na nga ba ang sinasabi ko," napatingin ako sa aking pinagkakatiwalaang tauhan. "Ang batang 'yan ang tatapos sa buhay nating lahat, at siya rin ang taong makakapatay lamang sa iyo. Kaya mag-iingat ka, mahal na pinuno." sabi niya.
Hindi. Hindi ko hahayaang mapapatay ako ng isang bata lamang. Uunahan ko na siya para masakop ko na ang buong lupain ng Irish at ako na rin ang makapangyarihang nilalang dito sa magic world.
***