Keisha's POV Napaluhod ako sa sakit ng tumama ang glass spike sa iba't ibang parte na katawan ko na inihagis ni Ma'am Bianca. Kasalukuyan kaming nasa training hall ngayon dahil inatasan kami ni H.M na magsimula nang magtraining. Ewan ko kung bakit pero aaminin kong kinabahan ako sa mga sinasabi niya mula sa speaker. At kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong napakaseryoso niya sa bawat salitang kanyang binibitawan. Lahat kaming magkakaibigan ay isinantabi muna ang aming pangungulila kay michelle na mahigit dalawang linggo nang wala. Wala kaming kahit anong balita o alam kung nasaan siya o kung maayos ba ang pamumuhay niya ngayon. Alam namin na may malalim siyang rason kung bakit siya umalis. Pero ang tanong, ano ang rason na 'yon? "Focus, Keisha!" Napitlag ako sa biglaang pagsigaw ni