Rhea's POV Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa dorm nila Michelle at Keisha. Kumatok muna kami ng tatlong beses at binuksan naman ni Keisha ang pintuan. Pero holoo! Bat namumugto 'yang mga mata niya? Umiyak ba siya? Pumasok na kami sa loob at umupo sa sofa sa living room. Napansin ko lang ha, ba't ba parang ang tahimik yata ni Keisha ngayon? At tsaka, asan si Michelle? Tulog pa rin ba hanggang ngayon? Tch. 'Yung babaeng 'yon talaga. "Asan si Michelle?" Tanong ni Sofia sa kanya. Bigla nalang may tumulong luha sa mga mata niya at binigay sa akin ang papel na hawak hawak niya. Bigla nalang akong kinabahan. Wait. Don't tell me...? Wag. Wag naman sana. "Read it loud," Keisha said and look away. Dahan dahan kong binuksan ang sulat. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Pagkabukas