IGNACIO "Satingin ko'y hindi na siya magtutungo rito," ani Jhonny. "Iyon din ang inaasahan ko," tugon ko habang kapwa kami nakatingin sa nag-aapoy na tanawin. Hinayaan na namin sa mga pulis ang paghuli sa mga nagtatrabaho sa plantasyon. Marami-rami sila, katulad ng inaasahan ko dahil malaki ang pagawaan. Base sa ulat na nakuha ko mula sa isang tauhan, sariling tanim din ng pamilya Ibarrientos ang mga m*******a. Sa Baguio raw ang pinakamalaking taniman dahil sa magandang klima. Tuwing Linggo raw sila kumukuha at hindi raw araw-araw ang kanilang pagbebenta o paghahatid sa kanilang parokyano. Mukha namang mababait itong nakuhang trabahador ni Crisostomo. Kung tutuusin, ayaw naman talaga nilang magtrabaho rito dahil alam nilang ilegal at inaasahan na nilang darating sila sa ganitong punto.

