AQUILINA Tunay na ang ang pag-ibig ang siyag pinaka-makapangyarihan sa lahat. Kaya nitong pagalawin ang isang tao nang lagpas sa kanilang limitasyon. Ako na lumaking malaking panatiko ng sarili kong pamilya. Mataas ang noo, puno ng dignidad. Araw-araw, isinasabuhay ko ang pagiging Rimas, perpekto... mabait, magalang, walang bahid ng karumihan. Sinong mag-aakala na darating ako sa ganito, na mababalot ang puso ko ng gallit, at nanaising maghiganti sa mga taong mas mataas sa akin, sa taong pinaglaanan ko ng malaking tiwala. "Sigurado ka ba, Aquilina? Ito ang huling beses na itatanong ko ito sa iyo... kaya mo bang tumayong testigo laban sa iyong ina?" MALALIM na ang gabi, tahimik ang paligid. Hindi pa rin nagigising sina Basilio, dahilan para hindi ako lubayan ng pag-aalala. Kakatapos lan

