AQUILINA Parehong nakakuyom ang aking kamao. Kinagat ko nang mainam ang ibaba kong labi upang hindi kumawala nang tuluyan ang aking bait. "Sa tingin niyo madadala po sa gamot ang kanilang kalagayan?" tanong ko kay Salazar. Pagkakitang-pagkakita ko kina Basilio, parang kakawala ang puso ko sa pag-aalala, sa galit, sa takot. Sa sandaling iyon ay tila mawawala ako sa aking sarili. Grabe ang sinapit nilang dalawa sa kamay nina Don Crisanto... at sa sarili nitong ama. Paano naaatim ni Don Dante na makitang nasa ganitong kalagayan ang kaniyang mga anak? Namumutla ang kanilang balat, maitim ang ilalim ng mata. Nakapikit sila, natutulog ngunit parang ilang araw silang pinagkaitan ng panaginip. "Wala akong masasabi, Senyorita Aquilina. Ako'y hindi eksperto pagdating dito, ngunit ang bilin sa aki

