CRISOSTOMO "Magaling. Bukas na bukas din ay matatanggap mo na ang iyong gantimpala. Dinamdam nang husto ni Aquilina ay iyong mga salita kaya napapayag ko siya kaagad na lumipat sa Bicol. Ngayong mailalayo ko na siya, ang dapat mong siguraduhin ay mapilit mo si Don Crisanto na ipilit sa kampo ng Valencia na isagawa na kaagad ang inyong kasal. Kapag nagtagumpay ka sa bagay na iyon, doon ko lamang hahayaang makabalik si Aquilina rito sa baryo Milagrosa." Ibinaba ko na ang tawag at pinagmasdan ang baso na mayroong lamang alak. "Crisostomo? May ginagawa ka ba?" Napalingon ako kaagad noong marinig ang boses ng aking kasintahan. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti noong makita itong suot ang binili kong bestida sa kaniya. "Bagay na bagay sa iyo ang iyong kasuotan. Mas lalo kang gumanda..."

